Newborn Baby, Nag-Trending Dahil Nakakapagsalita Na At Nakakaupo Din Umano Ng Mag-Isa

Hindi biro ang pag-aalaga ng sanggol. Gayunpaman, lahat ng hirap at pagod na iyong mararamdaman ay mapapawi kapag nakikita mo na ang kanilang development.

Para sa mga magulang, labis na ang kasiyahan na nadarama nila kapag nasaksihan nila ang first step ng kanilang anak o di kaya ay marinig ang first word na babanggitin nito. Ngunit, ibayong pasensya at tyaga ang kailangan bago dumating ito.

Kaya naman marami sa mga netizens ang hindi mapigilan na magtaka sa kwento ng sanggol na ito mula sa Lanao del Sur.

Ayon sa ina ng sanggol, nakakapagsalita na umano ang kaniyang anak at kaya na ding umupo ng mag-isa kahit ito ay wala pang dalawang buwan.


Sa isang episode ng programa ng GMA-7 na 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' itinampok nila ang kwento ng baby na ito na binansagan bilang 'miracle baby' dahil sa nakakamanghang abilidad na mayroon ito.

Pagbabahagi ng ina at tita ng sanggol, kahit pa man daw isang buwan pa lamang si Tingting Bolawan ay nakakapagsalita na umano ito at nakaka-upo na din ng mag-sa.

Saad ng tiyahin ng sanggol na si Anissa, "Dito na ako tumanda sa Marugong, pero first time kong makakita ng ganoon kaliit na bata!"

"Miracle talaga si Tingting Bolawan. Nakakaupo na siya mag-isa kahit bagong silang pa lang siya! Marami ang nakakita! Hindi naman ako magsasabi kung hindi totoo,” dagdag niya.

Sa isang video, makikita na napapalibutan si baby Tingting ng mga tao sa kanilang bahay. Makalipas ang ilang sandali ay makikita na tila umaangat na ang ulo ng sanggol at napapaupo na ito.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila ginagalaw lamang ng ina ang kamay ng sanggol para ito ay magmukhang nakakaupo.


Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Kawawa nmn n baby pinag lalruan nila.

Panu uupo eh parang pinipilit lng ng nanay na paupoin. my deperensya na nga po ang baby ginaganyan pa!"

"Mabuting ipatingin nyo ang sanggol sa pediatrician. Ipa newborn screening na rin. Dysmorphic features, low birth weight. Baka may congenital/acquired syndrome."


Source: The Relatable

No comments

Seo Services