Si Lyca Gairanod ay isa sa mga kilala at hinahangaang batang mang-aawit ngayon sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala ng publiko noong tanghalin siya bilang grand winner ng The Voice Kids Philippines.
Dahil sa kaniyang talento sa pag-awit, ito ay nagbukas ng napakaraming oportunidad sa kaniya para maabot ang kaniyang mga pangarap at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.
Gayunpaman, sa kabila ng kasikatan at tagumpay na mayroon siya ngayon, nananatili pa ding mapagkumbaba si Lyca sa lahat ng bagay at palaging handang magbigay tulong sa kapwa.
Si Lyca ay nagmula sa isang mahirap na pamilya kaya naman sa murang edad pa lamang ay kinailangan na niyang magbanat ng buto. Natuto siyang mangalakal dahil na din sa kagustuhan niya na makatulong sa kaniyang pamilya.
Minsan ay umaawit siya sa ilang kabahayan upang madagdagan ang pera. Lahat naman ng kaniyang kinikita ay ibinibigay niya sa kaniyang mga magulang para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Taong 2014 nang napagdesisyunan ni Lyca na sumali sa 'The Voice Kids' kung saan niya ipinamalas ang kaniyang husay sa pag-awit. Marami din ang naantig sa kwento ng kaniyang buhay.
Sa isang vlog ni Lyca sa kaniyang YouTube channel, muli niyang inalala ang buhay na mayroon siya noon. Inamin ng singer na napakahirap ng buhay nila noon. Kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang simpatya noong nakita niya na patuloy pa din sa pangangalakal si Nanay Ising na nakasama pa niya noon sa pangangalakal.
Saad ni Lyca,
"Isa itong nakakaantig na story kasi may nakita po akong matanda, and kitang-kita ko sa kanya dati yung ginagawa ko noong bata pa'ko."
Dagdag niya,
"Actually, 'nung bata pa ako, parang nakita ko na siya eh. So, parang sabay kaming nangalakal dati."
Naisipan ni Lyca na puntahan si Nanay Ising at tulungan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga prutas at grocery items.
Napag-alaman din ni Lyca na 30 taon na palang nangangalakal si Nanay Ising ngunit maliit lamang ang kinikita nito sa araw-araw. Minsan as nasa 20 hanggang 30 pesos lang na siyang nagpahabag sa batang singer.
Aniya,
"Kaso iba nga lang po kami ng story, kasi siya matanda na siya eh. Ako po medyo bata pa kaya mas okay sa akin. Pero siya kasi, 'yung nakita ko siya talagang iyong parang nabiyak yung puso ko."
Gayunpaman, patuloy pa din ang pananalig ni Nanay Ising sa Panginoon sa kabila ng hirap sa buhay na pinagdaaanan niya ngayon.
Sabi ni Nanay Ising,
"Manalig tayo sa Panginoon. Wag natin kakalimutan. Naglalakad ako yan, namamasura, mga altar kinukrusan ko yan. Bigyan ako ng lakas pa ng katawan dahil mga apo ko, maliliit pa."
Lubos din ang kaniyang pasasalamat sa tulong na ibinigay sa kaniya ni Lyca dahil siya ay makakapagpahinga na mula sa pangangalakal matapos ang matagal na panahon.
Source: The Relatable
No comments