Diego Loyzaga, May Ibinunyag Tungkol Sa Kanila Ng Co-Star Niyang Si Cristine Reyes Na Hindi Alam Ng Marami

Lingid sa kaalaman ng marami ay hindi dumaan sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga sa workshop para sa kanilang roles sa Philippine adaptation ng South Korean drama na 'Encounter'.

Dahil hindi nakapag-workshop bago ang kanilang proyekto, hindi nagkaroon ang dalawa ng pagkakataon para makilala ang isa't isa.

Inamin ni Diego na siya ay natakot sa kaniyang leading lady na si Cristine noong una. Dahil dito, siniguro niya na aayusin niya ng mabuti ang kaniyang trabaho.

Saad ni Diego sa panayam niya sa PEP.ph,

"I can't mess up."


Paliwanag ng aktor, tinuturing niya si Cristine bilang kaniyang 'senior' at alam niya na mas maraming alam ang aktres kumpara sa kaniya dahil sa tagal na nito sa industriya ng showbiz. Kaya tiniyak niya na hindi niya bibigyan ng problema ang kaniyang mga katrabaho sa bawat takes para sa kanilang proyekto.

Sinabi din niya na kinabisado niya nang maaga ang kanaiyang mga linya upang hindi ipahiya ang kaniyang sarili sa harap ng aktres.

Sa trailer ng Encounter, tampok dito ang sexual tension sa pagitan nina Cristine at Diego noong sila ay nagkita sa Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, Ilocos Norte pati na din sa Bagui Wind Farm sa naturang probinsya.

Ayon sa direktor na si Jeffrey Jeturian,

"Ang dapat abangan ng audience ay kung paano maiinlab iyong dalawang karakter, at kung paano nila ipaglalaban iyong kanilang pagmamahalan.

“Kasi, iyong kuwento, two strangers meet in a romantic place and fall in love instantly, but there are circumstances that prevent them from pursuing their relationship. Like age gap, at saka yung employer-employee relationship. Iyong employer-employee status nila.


“Kaya buong series magre-revolve around doon sa struggle, at saka yung pakikipaglaban nila para ma-attain nila iyong kanilang pagmamahalan.”

Ang cinematography at production design ng Pinoy verion ng Encounter ay kahanga-hanga.

Dagdag ni Jeturian,

"Actually, limited yung aming choices ng location, e. Kasi, sa pandemic, there are travel restrictions that prevent us from…

“Originally kasi, we intended to shoot out of the country. Pero dahil nga sa travel restrictions, we were limited to choices dito sa Philippines.

“And I’ve been to Ilocos before, and importante dito sa kuwento yung sunset. And natatandaan ko, doon sa Burgos sa Ilocos Norte, may lighthouse doon na maganda yung sunset. So, I recommended that we shoot it in Ilocos Norte.”


Source: The Relatable

No comments

Seo Services