Dismayado ang dating Movie Television Review and Classifcation Board (MTRCB) chairman na si Manuel “Manoling” Morato sa bagong pelikula ni Megastar Sharon Cuneta na “revirginized”.
Sa isang panayam, sinabi ni Manuel na hindi siya natutuwa sa pinasok na pelikula ni Sharon dahil sa “suggestive” diumano ang tema nito.
Aniya, noong kapanahunan niya bilang MTRCB chairman ay hindi niya hinahayaan ang mga pelikula na tila rated SPG ang title.
Dagdag pa niya, maraming pelikula ang napilitang magpalit ng title dahil sa kanyang mahigpit na panuntunan.
“Totoo ka, I don’t like the thought. Even the titles should not be allowed, yung suggestive titles na against the law,” ani Morato.
“Kapareha niyan, si Sharon Cuneta, may pelikula—Revirginized. That’s not allowed.” dagdag niya pa.
Ayon sa kanya ay sobrang nadismaya siya sa pagpayag ni Sharon na maging parte ng nasabing pelikula ni Direktor Darryl Yap.
“Hindi tama yung kay Sharon, I’m disappointed. I know the mother [of Sharon] very well. I knew her,” saad ni Morato.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Pero Revirginized is something that I cannot allow. Under the law, you cannot have a double meaning or salacious title.” dagdag niya pa.
Bago pa man ang trailer ng pelikula ay naging kontrobersyal na ang desisyon ni Sharon na maging parte ng pelikula dahil kakaiba ang role niya dito.
Maging ang anak niya na si Frankie Pangilinan ay tila hindi natuwa sa proyekto ng kanyang ina.
“For the last time, I have no control over the things that members of my family do or opportunities they’re given,” ani Frankie noon.
Ngunit paliwanag naman ni Sharon, hayaan muna siya kahit isang beses na maging kakaiba.
“I am still the same “Sharon” who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different – at least on the screen. I am, after all, an actor. And doing all kinds of roles is part of my job!” ani Sharon.
Mapapanood ang nasabing pelikula sa Agosto 6 sa VivaMax.
Panoorin ang trailer sa ibaba:
***
Source: Daily BNC News
Source: News Keener
No comments