Barbie Forteza, Naglabas Ng Saloobin Tungkol Sa Kumakalat Na Balita Na Dahilan Ng Paghihiwalay Nila Ni Jak Roberto



Mariing itinanggi ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang isyu na kumakalat ngayon tungkol sa hiwalayan nila ng kasintahan na si Jak Roberto.

Naging viral sa social media ang post ng isang Facebook page tungkol sa balita na hiwalay na umano ang celebrity couple.

Saad sa post,

"Actress Barbie Forteza state the reason behind her breakup with longtime boyfriend, Jak Roberto, on a statement released this Wednesday evening."

Sa nasabing post, sinabi na naghiwalay umano sina Jak at Barbie dahil nakalimutan ng aktor ang kanilang monthsarry.


Sambit umano ni Barbie,

"Hindi po tayo dapat pumayag na hindi ibigay saatin yung bare minimum. Simple lang po yung monthsary diba dapat natatandaan, napaka special po kasi nun sakin."

Kalakip ng nasabing post ay isang artcard na mayroong larawan ni Barbie at sinasabing pahayag ng aktres tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Jak.

Nang makarating ang naturang post sa Kapuso Primetime Princess, kaagad niya itong ipinost sa kaniyang Twitter account kung saan ito ay nakatanggap ng libu-libong like, share, at iba't ibang komento mula sa online community.

Ayon kay Barbie, marami pa din umanong tao na naniwala dito kahit halatang fake news ang nakasaad sa post.

Sa pangalan pa lang ng Facebook page ay halata na ito ay peke dahil ginaya pa nito ang logo ng Inquirer.

Saad ng aktres sa caption ng kaniyang post,

"125 Reactions, 25k Comments & 68k Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome."

Samantala, sa comments section ng naturang Twitter post ni Barbie, may ilang netizens ang nagsabi na kahit sila ay hindi naniwala sa naturang post dahil halata naman na peke lamang ito dahil kapansin pansin na sa page pa lamang nila.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Normies lang talaga matatawa sa ganitong klaseng meme. Smh"

"una ko pa lang nakita alam ko na na di totoo pero ang dami naniniwala"

"As i watch your videos together, kayo talaga yung dapat hinahangaan na couple ng marami. Ganyan po talaga pag inggit sayo, gagawa ng paraan para masiraan kayo."


Source: The Relatable

No comments

Seo Services