Hindi pihikan si Lucy Torres pagdating sa pagkain. Pero hindi raw niya makain ang anumang merong kambing, at nito lang ay manok. Ang rason niya ay walang kinalaman sa pagda-diet.
Noong June 21, 2021 sa isang Zoom virtual meet with Congresswoman Lucy Torres Gomez, at mga entertainment press kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)", ibinahagi ng aktres ang mga pagkain na di na niya kinakain pa.
"There are things I don't eat talaga like kambing. Kasi we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing," saad ni Lucy.
"And then kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken," dagdag pa niya.
Ayon sa IG post ni Lucy. Lucy Torres and Richard Gomez with their alagang manok. She referred to them as the "Stars"of their home in Ormoc, City.
Ani Lucy, "Kasi ang dami niyang mga hayop. At saka magkakaibigan lahat ng mga hayop niya. Nagsimula lang iyan sa dalawang bao, dalawang turtle and now may gansa, turkey, mga manok, may baboy minsan pa may bayawak."
Nakangiting dagdag ni Lucy ukol kay Richard "Minsan, sabi ko, "Honey, please. Huwag lang unggoy."
Madalas silang mabanggit sa IG feed nina Richard at Lucy, at ang unica hija nilang si Julianna ang nagbibigay ng pangalan sa mga alaga nilang hayop.
Bukod sa mga alagang hayop, marami silang pananim. Laking Ormoc si Lucy at sanay siya sa farm life, kaya natutuwa raw siyang maraming nakaka- appreciate ng farm to table to table lifestyle, iyong tipong ang isasahog sa mga lutong bahay ay mga tanim nila sa bakuran.
Ayon kay Lucy "Garden-to-table. This vine creeps randomly but beautifully in our garden. And once upon a time I though the blue ternate, or blue butterfly pea, was purely decorative. But it has found its way into out meals- as teas, in fresh beautiful salads, on avocado toast too. A neighbor says he takes it nightly, a bunch of the tender flowers steeped in warm water, and it makes him sleep like a baby.
Source: The Relatable
No comments