Ang ating kaarawan ay isa sa maituturing na pinaka-special na araw para sa ating buhay. Kaya naman karamihan sa atin ay naghahanda upang ipagdiwang ang kanilang kaarawan.
Ngunit, tila para sa iba ay masama na ngayon ang magdiwang at maghanda para sa kaarawan dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Ito lamang ang naranasan ng isang netizen matapos niyang makatanggap ng batikos mula sa ilang kakilala dahil lamang siya ay naghanda sa kaniyang kaarawan sa gitna ng C0VID-I9 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Sa ilang screenshots na ibinahagi ng netizen na si Alfine Santos Rosales, makikita sa isang screenshot na ibinahagi ng kaniyang tita na si Rachelle Rosales sa socmed account nito ang ilang handa niya para sa kaniyang kaarawan.
Sa nasabing screenshot, makikita din ang naging komento ng netizen na mayroong username na Nadlor Eco Ocire tungkol sa naging handa ng tita ni Alfine.
Saad ng nasabing netizen sa kaniyang komento na sana ay hindi na lamang daw ipinost ni Rachelle ang kaniyang handa sa socmed at hiling pa nito na sana ay makaramdam naman daw si Rachelle at huwag na lamang ipangalandakan ang kaniyang handa dahil nga mayroong krisis na kinakaharap ang mga tao ngayon.
Samantala, sinabi naman ni Alfine sa kaniyang post na ibinahagi din naman nila ang handa ng kaniyang tita sa kanilang mga kapitbahay.
Maging ang hiling lamang din ng kaniyang tita ay hindi para sa kaniyang sarili lamang kung hindi para sa lahat na para sa sana ay gumaling na lahat ng mga C0VID-I9 patient sa buong mundo.
Nilinaw din ni Alfie na ang mga handa ng kaniyang tita ay bigay at regalo lamang. Nagtulong-tulong din silang pamilya upang mapaghanda ang kaniyang tita kahit kaunti lamang.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng iba't ibang reaksyon ukol sa naturang post. Ilan sa kanila ay nagsasabi na hindi naman masama kung maghahanda dahil ito ay kaarawan naman na isa sa mga espesyal na araw na dumadaan lamang ng isang beses sa isang taon sa buhay ng isang tao.
Source: The Relatable
No comments