Ano ang mga sakit na makukuha sa mula sa langaw at ipis?

Ang langaw ay nagdudulot nang maraming sakit (umaabot ng 100 sakit) tulad ng typhoid fever, cholera at gastroenteritis. Pagtatae at pagsusuka ang sintomas ng mga sakit na ito.
Langaw at Ipis / Photo credit to the owner

Sobrang nakadidiri talaga ang langaw. Bakit?

1. Nabubuhay ang mga langaw sa dumi, tae, nabubulok na karne at basura.

2. Binabalot ng langaw ang kanilang katawan sa dumi.

3. Para kumain, sinusuka ng langaw ang likido sa sikmura nito. Ginagamit ng langaw ang kanyang suka para tunawin ang gusto pa niyang kainin. Sa ganitong paraan, naiiwan ng langaw ang kanyang suka sa mga pagkaing dinapuan niya. Mag-ingat!

4. Ang isang langaw ay may taglay ng 6.5 milyong bacteria sa kanyang sikmura! Puwede nitong ipasa ang bacteria sa mga susunod na henerasyon ng langaw.

5. Para dumami, ang uod ng langaw (maggots) ay nangangailangan ng 5-10 araw para maging langaw.

Tulad ng langaw, ang ipis ay nagdudulot din ng sakit na pagtatae. Nakadikit sa katawan at paa ng ipis ang mga bacteria tulad ng E. coli, salmonella, streptococcus at staphylococcus.

Saan makikita ang ipis? Mahilig ito magtago sa mga lugar na medyo basa, madilim at may katabing pagkain. Mahilig din itong sumiksik sa masisikip na lugar. Dahil dito, madalas natin sila makita sa kusina, banyo at cabinet.

Ang babaing ipis ay nangingitlog ng 4 hanggang 8 egg cases (kapsula ng mga itlog) sa buhay nitong 6 na buwan. Bawat egg case ay may nilalaman na 30-48 itlog. Magiging ipis ang mga ito sa loob ng 1 buwan.

Paano mababawasan ang mga insekto sa bahay?

1. Linisin ang bahay palagi. Alisin ang mga basura kung saan naglalagi ang mga insekto.
2. Takpan maigi ang lahat ng basura. Itapon nang maaga ang basura.
3. Itago ang pagkain sa nakasaradong lalagyan. Ilagay sa refrigerator.
4. Gumamit ng screen at pintuan para hindi pumasok ang insekto sa bahay.
5. Tapalan ang mga butas sa bahay.
6. Puwedeng gumamit ng mga pamatay ng insekto tulad ng pamalo at fly paper.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services