Rob Moya, Binigyan Ng Mamahaling Regalo Sina Toni Folwer At Tyronia, Pero Tyronia Iba Ang Naging Reaskyon


Hindi na pinalagpas pa ni Rob Moya ang pagkakataon na makabawi sa mag-inang sina Toni at Tyronia Fowler noong sila ay magkaayos muli. Sa katunayan nga niyan ay bumili pa si Rob ng alahas para sa mag-ina bilang regalo na din niya sa kaarawan ni Toni.

Isang set na alahas ang binili ni Rob para kay Toni na personal pa niyang inabot dito at sinuot pa niya mismo ang kwintas kay Toni.

Makikita din sa vlog ang naging reaksyon ni Tyronia noong inabot na sa kaniya ng kaniyang ina ang regalo ni Rob.


Ngunit, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila nag-iba ang reaksyon ni Tyronia noong sabihin ni Toni na galing ang regalo na iyon mula kay Rob. Gayunapaman, nagpasalamat pa din si Tyronia dito kahit nag-alangan pa siya kung pano niya tatawagin ang dati'y kaniyang 'Daddy Rob'.

Kung maalala ay naging kontrobersiyal sina Rob at Toni ngayong taon dahil sa ginawa umano ni Rob na paggamit sa mga savings na naipon ni Toni para sa anak na si Tyronia at sa third party issue umano na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Gayunpaman, pinili nina Rob at Toni na ayusin ang nangyaring gulo sa pagitan nila. Matatandaan na nito lamang ay nagkaayos muli ang dalawa at pinili na maging mabuting magkaibigan.

Marami sa mga netizens ang natuwa dahil sa muling pagkakaayos nina Rob at Toni. Ang ilan ay hinihiling pa nga na mag-comeback ang dalawa. 


Si Rob Moya ay isa aktor at YouTube vlogger na naging karelasyon ng kapwa vlogger na si Toni Fowler. Unang nakilala si Rob sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo niya at pagiging isang mabuti at mapagmahal na ama sa anak ni Toni na si Tyronia kahit pa man ito ay hindi niya tunay na anak.


Source: The Relatable

wokes Saturday, July 31, 2021
Barbie Forteza, Naglabas Ng Saloobin Tungkol Sa Kumakalat Na Balita Na Dahilan Ng Paghihiwalay Nila Ni Jak Roberto



Mariing itinanggi ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang isyu na kumakalat ngayon tungkol sa hiwalayan nila ng kasintahan na si Jak Roberto.

Naging viral sa social media ang post ng isang Facebook page tungkol sa balita na hiwalay na umano ang celebrity couple.

Saad sa post,

"Actress Barbie Forteza state the reason behind her breakup with longtime boyfriend, Jak Roberto, on a statement released this Wednesday evening."

Sa nasabing post, sinabi na naghiwalay umano sina Jak at Barbie dahil nakalimutan ng aktor ang kanilang monthsarry.


Sambit umano ni Barbie,

"Hindi po tayo dapat pumayag na hindi ibigay saatin yung bare minimum. Simple lang po yung monthsary diba dapat natatandaan, napaka special po kasi nun sakin."

Kalakip ng nasabing post ay isang artcard na mayroong larawan ni Barbie at sinasabing pahayag ng aktres tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Jak.

Nang makarating ang naturang post sa Kapuso Primetime Princess, kaagad niya itong ipinost sa kaniyang Twitter account kung saan ito ay nakatanggap ng libu-libong like, share, at iba't ibang komento mula sa online community.

Ayon kay Barbie, marami pa din umanong tao na naniwala dito kahit halatang fake news ang nakasaad sa post.

Sa pangalan pa lang ng Facebook page ay halata na ito ay peke dahil ginaya pa nito ang logo ng Inquirer.

Saad ng aktres sa caption ng kaniyang post,

"125 Reactions, 25k Comments & 68k Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome."

Samantala, sa comments section ng naturang Twitter post ni Barbie, may ilang netizens ang nagsabi na kahit sila ay hindi naniwala sa naturang post dahil halata naman na peke lamang ito dahil kapansin pansin na sa page pa lamang nila.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Normies lang talaga matatawa sa ganitong klaseng meme. Smh"

"una ko pa lang nakita alam ko na na di totoo pero ang dami naniniwala"

"As i watch your videos together, kayo talaga yung dapat hinahangaan na couple ng marami. Ganyan po talaga pag inggit sayo, gagawa ng paraan para masiraan kayo."


Source: The Relatable

wokes
Kilalanin Ang Ate Ni Ivana Alawi Na Kasing Ganda At Seksi Niya

Si Mariam Al-Alawi o mas kilala sa kaniyang screen name na Ivana Alawi ay isang 24-anyos na Filipino-Moroccan YouTube vlogger, actress, at modelo sa mga komersyal.

Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang aktres sa ilalim ng ABS-CBN Network. Ngayon ay umabot na sa mahigit na 13.6 million subscribers sa kaniyang YouTube channel.

Madalas na nakikita sa mga vlog ni Ivana ang kaniyang nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey. Hindi maipagkakaila na talagang pinatawa at nagbigay ng saya sa atin ang magkapatid dahil sa mga pranks na ginagawa nila sa isa't isa. Ngunit, sila ay mas hinangaan ng marami dahil sa bond nila sa isa't isa.


Ang magandang personalidad ni Ivana ay isa sa mga rason kung bakit isa siya sa mga most followed celebrities sa social media.

Marahil marami ang nakakapansin na madalas lamang niyang kasama ang kaniyang ina at kapatid na si Mona sa kaniyang mga vlog, at may pagkakataon na parte dian ang kaniyang kapatid na lalaki.

Kaya naman hindi mapigilan ng marami na magtanong tungkol sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Amira Alawi.


Katulad ni Ivana, si Amira ay isa ding napakagandang babae. Tiyak din na makakapasok sa showbiz si Amira sa hinaharap dahil sa kaniyang magandang mukha, mga mata, mga ngiti, at kasexyhan ng kaniyang katawan.

Sa kaniyang mga social media account, makikita din ang pagiging malapit niya kay Ivana at madalas na pinupuri ang aktres sa kaniyang mga post. Ito ay patunay lamang na siya ay number 1 fan ni Ivana mula umpisa.

Alam natin na sa murang edad pa lamang ni Ivana ay naw4la na ang kaniyang ama. Gayunpaman, tiyak na sobrang proud sa kanilang magkakapatid ng kanilang magulang dahil sa kanilang mga career at achievements na natamo nila ngayon.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala ng publiko noong siya ay gumanap sa afternoon drama na 'Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi'. Kasunod nito ay ang kaniyang role bilang kasintahan ng yuma0ng aktor na si Eddie Garcia sa 'Ang Probinsyano.


Source: The Relatable

wokes Thursday, July 29, 2021
Bea Alonzo, Ipinasilip Ang First Time Niyang Pagha-Harvest Ng Mga Gulay Sa Kanyang Farm Sa Zambales

Ang makabili ng isang napakalawak na lupa sa probinsya ay maituturing na napakagandang investment.

Katulad na lamang ng aktres na si Bea Alonzo na napagdesisyunan na i-invest ang kaniyang pera na kinikita mula sa kaniyang mga proyekto, endorsement, at iba para bumili ng isang napakalawak na farm sa Zambales na tinawag niyang Beati Firma.

Marami ang humanga kay Bea nang ipasilip niya ang malawak na farm na kaniyang pag-aari kung saan makikita ang taniman ng mangga.


Bukod dito, makikita din sa nasabing farm ang iba't ibang alagang hayop at mayroon din itong fishpond.

Makikita din dito ang iba't ibang klase ng mga namumungang puno na kung saan ay talagang walong halong kemikal at talagang organic. Ang bawat puno din ito ay siksik ng sustansya.


Sa latest vlog ng aktres sa kaniyang YouTube vlog, ibinahagi ng aktres ang bagong proyekto na naisip niya para sa kaniyang Beati Firma farm. Ito ay ang vegetable garden na tinawag ng aktres na 'Mary's Secret Garden' kung saan nakalagay ang mga pananim ng kaniyang ina na si Mary.

Sa naturang vlog, ipinasilip din ni Bea ang pagha-harvest ng mga gulay sa secret garden ng kaniyang ina. Ilan lamang sa mga pananim na makikita sa naturang garden ay ang okra, sitaw, mais, at talong. Makikita din ang saya na nadarama ni Bea habang pinipitas ang talong at sitaw.


Ayon sa aktres, talagang nakakatipid at masustansiya pa ang mga gulay at prutas na kanilang kinakain dahil nasisiguro nila na ito ay kaka-harvest lamang at puro organic ang ginagamit dito.

Para kay Bea ay napakalaki at maganda ang naitutulong ng pagkakaroon ng sariling garden kaya hinikayat din niya ang publiko na maggaw ng garden sa kani-kanilang mga tahanan dahil malaki ang pakinabang nito at tulong na naidudulot nito sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Samantala, nahinto naman ang pagha-harvest ni Bea dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas nga ulan habang siya ay namimitas ng bunga ng gulay. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa din ni Bea ang kaniyang vlog kahit pa man hindi natapos ang kaniyang pagha-harvest. Dito ay ipinasilip naman niya ang masayang bonding nilang pamilya.



Source: The Relatable

wokes
Isa Pang Anak Ni Jeric Raval, Pinagkakaguluhan Ngayon Sa SocMed Dahil Sa Taglay Nitong Ganda At Karisma

Hindi maipagkakaila na isa sa mga may pinaka-gwapong mukha sa showbiz ang batikang action star na si Jeric Raval. Sa kabila ng edad nito, tila ba hindi pa din tumatanda ang hitsura nito.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng mga netizens sa social media ang isa sa mga anak ni Jeric na si Vanessa Raval.

Kaagad nakuha ni Vanessa ang atensyon ng marami noong minsan niyang ibinahagi ng isang larawan kasama ang kaniyang ama na si Jeric dahil sa taglay niyang kagandahan.


Si Vanessa ay isa sa walong anak ng beteranong action star sa dalawa nitong naging ka-relasyon. Si Jeric ay nagkaroon ng limang anak sa kaniyang asawa at tatlong anak naman sa dating aktres na si Monica Herrera.


Maraming netizens ang nagsasabi na astig ang ganda ng anak na ito ni Jeric. Kahit pa man hindi ito katulad ng ibang babae na mahilig magsuot ng mga high heels o dress, bakas pa din ang taglay nitong kagandahan. May mga netizens pa na nagsasabi na maaaring pumasok sa showbiz si Vanessa.

Sa post ni Vanessa, ipinagmalaki niya ang kaniyang ama dahil sa pagiging responsable nitong ama sa kanilang magkakapatid na sa kabila ng busy schedule nito, nagagampanan pa din ng aktor ang responsibilidad niya bilang ama sa kanila.


Saad ni Vanessa,

"Wala kayo sa daddy ko dahil grabe 'yung sense of responsibility niya... wala kayo sa daddy ko dahil, despite na busy siya, nagagampanan pa rin niya 'yung responsibilidad niya bilang isang ama ng buong-buo atsaka walang aberya."

Kahit pa man sandaling namahinga ang aktor sa showbiz, bukas na bukas naman ang publiko sa pagsalubong sa kaniya noong siya ay bumalik na sa mundo ng showbiz. Masaya ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta dahil sa muling pagbabalik sa telebisyon ng isa sa paainakahinangaan at magaling na aktor noon.


Source: The Relatable

wokes
Buong Pamilya Ni Ai-Ai Delas Alas, Sinagot Ang Netizen Na Nagsabing, "Mukhang Matanda Pa Anak Mo Sa Asawa Mo"

Hindi napigilan ng komedyante na si Ai-Ai delas Alas na sagutin ang isang basher na kinuwestiyon ang kaniyang tahimik na relasyon sa asawa na si Gerald Sibayan.

Noong Linggo, Hulyo 25, ibinahagi ni Ai-Ai ang family picture nila sa kaniyang Instagram account. Sa nasabing larawan ay kasama ni Ai-Ai ang kaniyang dalawang anak na sina Sophia at Sancho. Kasama din nila ang fiance ni Sancho na si Shanna Retuya at fiance ni Sophia na si Vincent Bautista.

Sa comments section ng naturang post, isang netizen ang nag-komento tungkol sa agwat ng edad nina Ai-Ai at Gerald.


Komento ng netizen,

"Anong tawag ng mga anak mo sa asawa mo? Eh mukang matanda pa po anak mo sa asawa mo? Ask lang." 

Bwelta naman dito ng Kapuso star,

"tawag ko sa asawa ko darl tawag ko sayo TAE HAHAHHAHAA G*G* U*L*!!!"

Kahit pa man nasa 29 taon ang agwat ng kanilang edad, kapansin pansin na hindi ito hadlang sa masayang pagsasama nilang dalawa.

Pinuna din ng aktres ang pagtanggal ng nasabing netizen sa display photo nito sa Instagram.

Ayon kay Ai-Ai, ang lakas umano ng loob nito para laiitin ang kaniyang asawa gayong "laki laki ng mukha mo parang kinagat ng ipis."

Saad pa niya, "nananahimik pamilya namin sa masayang dinner dami mong sinabi animal!!!!" 

Pati mga anak ni Ai-Ai ay sinagot din ang netizen.

Sabi ni Sancho, "ako tawag ko kay @gerald_sibayan kumpadre... tawag namin sa mga katulad mo k*pal." 

Komento naman ni Sophia, "Gerald. Sayo tawag namin epal"

Ngunit, tila hindi pa nakuntento ang netizen at nagkomento pa muali.

Saad nito, "Me msama ba kong sinabi ha? Nag tatanong lang nagalit na kayo kagad? Sus." 

Hirit naman ni Ai-Ai,

"Masama ba mag sabi ng totoo na una ang laki ng muka mo pangalawa nanahimik pamilya namin tanong mo pang mal edukado." 

Matatandaan na Disyembre 12, 2017 nang ikasal sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City sina Ai-Ai at Gerald. Ipinagdiwang nila ang ikapitong anibersaryo ng una nilang pagkikita nito lamang Abril 2021.


Source: The Relatable

wokes Wednesday, July 28, 2021
Babaeng Iniwang Ng Kaniyang Mapapangasawa, Itinuloy Pa Din Ang Photoshoot

Nagsilbing inspirasyon sa iba na bumangon mula sa matinding heartbreak ang pinagdaanan ng babaeng ito na tumuloy pa din sa kaniyang bridal shoot kahit pa man siya ay hindi pinakasalan ng kaniyang fiance na pitong taon niyang ka-relasyon.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Manna Samantha Luna o Sam na kuha ng Athina de Ocampo Creative Studios, makikita ang kagandahan at pagka-blooming ni Sam habang suot kaniyang wedding gown habang siya ay nasa loob at labas ng simbahan.

Ngunit, walang groom na naghihintay para kay Sam dahil ang mga larawan ay kuha dalawang taon matapos na makipaghiwalay sa kaniya ang kaniyang fiance na kaniyang naging ka-relasyon sa loob ng pitong taon.

Pagbabahagi ni Sam,

"May gown na ako, so 'yun. Then one day bigla na lang na ayaw na niya. Ang sinabi niya sa aking reason is hindi niya kayang ibigay 'yung love na binibigay ko sa kaniya."


Ngunit, hindi naging madali para kay Sam na mag-move on ngunit siya ay pumayag pa din na dumalo sa photoshoot upang magbigay ng inspirasyon para bumangon matapos ang matinding heartbreak.

Ngayon ay hindi na nag-uusap si Sam at ang dating fiance na ngayon ay mayroon ng bagong karelasyon.

Matapos ang kanilang hiwalayan, pinagtuunan na lamang ni Sam ng pansin ang kaniyang pangarap na maging isang doktor. Ngayon ay sinisimulan na niya ang kaniyang medical school.

Nagbigay din si Sam ng ilang tips para maka-move on mula sa matinding heartbreak.

Saad ni Sam,

"First is to acknowledge na wala na. Then after that, i-accept mo na hindi na nga mangyayari talaga. Iiyak mo 'yon, isigaw mo kung anong gusto mong gawin. Basta i-feel mo, mag-grieve ka about it."

Dagdag pa ng dalaga,

"Siyempre kailangan may will ka, kailangan gusto mo rin talagang mag-move on."


Source: The Relatable

wokes
Tinaguriang 'Boy Ahas' ng Pangasinan, dedo matapos matuklaw ng cobra sa dila

Dedo ang binansagang ‘boy ahas’ ng Mangaldan, Pangasinan, matapos itong matuklaw ng cobra.
Bernardo Alvarez / Photo credit to the owner

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, kinilala ang 62-anyos na si Bernardo Alvarez, ng Barangay Lanas.

Takbuhan ng mga kanyang ka-barangay si Alvarez tuwing may makikita silang ahas sa kanilang lugar.

Tinawag siyang ‘boy ahas’ dahil sa galing at husay niyang manghuli at mapaamo ang mga ahas at tila hindi ito tinatablan ng kamandag.
Bernardo Alvarez / Photo credit to the owner
Bernardo Alvarez / Photo credit to the owner

Ngunit noong Biyernes, Hulyo 23, pumanaw si Alvarez matapos umano siyang matuklaw sa dila ng nahuli niyang cobra.

Mapapanood sa video na sinabukan pa siyang i-revive ng mga taong sumaklolo ngunit hindi na nila napigilan ang mabilsi na pagkalat ng kamandag sa katawan ni Alvarez.

"Ang kaniyang venom [ahas] ay nagko-cause ng mga paralysis sa ating katawan. Maaaring mag-cause itong paralysis na ito ang paghina ng paghinga, maaapektuhan yung daloy ng hangin sa katawan natin at paghinto ng puso," ayon kay Dra. Anne de Guzman, Pangasinan Health Officer.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: GMA Network

Source: News Keener

wokes
Seo Services