Sharon Cuneta sinagot ang netizen na nagsabing “plastic” ang pakikiramay niya sa Aquino family

Sinagot ni Megastar Sharon Cuneta ang isang netizen na nagsabing “plastic” umano ang pakikiramay niya sa Aquino family sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sharon Cuneta / Photo credit: Rappler and CNN Philippines

Bakit negative agad ang reaction n’yo. Ang pakikiramay kailangan nobela? ‘Di ko agad nalaman na namayapa na si PNoy. Nasa Amerika ako okay?” saad ni Sharon.

Pinsan ko ang naunang nagsabi sa akin hindi si Kiko. Si Kakie kaninang umaga lang ako minessage,” dagdag niya.
Former President Benigno “Noynoy” Aquino III / Photo credit: Inquirer

Samantala, nag-upload din ang megastar ng video sa Facebook upang linawin na hindi siya naaksîdente dahil may kumakalat palang balita na naaksidente siya habang nasa Amerika.

Sorry po hindi na ako nakapag-ayos dahil medyo urgent. Kasi po may tumawag sa amin dito. ‘Yung team ko po ay nag-panic dahil may balita raw po diyan na kami ay naaksidente. I just want you to know in case narinig niyo po ako at kayo po ay nag-alala, hindi po totoo ‘yun. So please relax,” pauna ni Sharon.

Hindi ko po alam kung bakit may mga taong wala po talagang magawang mabuti. So don’t worry. I am okay. I am so tired because I did so much today. But I am in my hotel room safe and sound… Please continue praying for our safety and please don’t worry. There’s no truth to the tsismis. Okay? We are okay, I love you guys and I miss you. God bless you,” dagdag niya.

Narito ang video ni ate Shawie:

Ini-repost din ni Sharon ang post ng anak na si Frankie “Kakie” Pangilinan patungkol sa pagpanaw ni Noynoy.

Sabi ni Sharon, “My Kakie wrote this. I don’t have to say much… I don’t have much to say in fact, as it is such a sad time for our country, having lost such a desiccated and true public servant who made the Philippines shine in the eyes of the world, and kept the light and fire of hope burning… Frankie’s thoughts encapsulate what our whole family is feeling at the moment… Once again, our deepest condolences to his family, his people, and (hopefully not forever) to Democracy… R.I.P. PNoy…
Kakie Pangilinan and former President Noynoy Aquino III / Photo credit: Sharon Cuneta


***
Source: Balita

Source: News Keener

No comments

Seo Services