Dahil sa pagkakamali ng mga doctor, imbes na isang paa lang, dalawang paa na ang mawawala sa 82-year-old na lalaki sa isang ospital sa Austria dahil maling paa ang unang naputol na operasyon.
Ayon sa ulat ng reuters, ‘human error’ umano ang nangyaring insidente sa matandang pasyente.
Kinakailangan ng putulin ang paa ng pasyente dahil sa lumalalang kondisyon nito sa sakit diabetes.
“We are deeply shocked that on Tuesday, May 18, despite quality assurance standards, the wrong leg of an 82-year old man ... was amputated," pahayag ng Freistadt Clinic.
Napag-alaman lang na mali ang paang pinutol nang papalitan na ang benda sa sugat nito.
Lumitaw na nangyari ang "trahedya" nang maling paa ang mamarkahan na dapat na puputulin.
“A disastrous combination of circumstances led to the patient’s right leg being amputated instead of his left,” ayon sa statement ng pagamutan.
Humingi ng paumanhin ang medical director ng nasabing clinic na si Norbert Fritsch at sinabing iniimbestigahan na ang pangyayaring insidente.
Ayon pa sa balita, nalaman lamang ng pasyente ang nangyaring pagkakamali nang sabihin ito sa kanya.
Inalok ang pasyente ng psychological assistance at kailangan na muling sumailalim sa operasyon para putulin ang paa na dapat talagang alisin.
"The operation is planned shortly," sabi ng pagamutan.
***
Source: Daily News
Source: News Keener
No comments