Naalala nyu paba si Franzen Fajardo? Dating PBB Housemate sa unang Edition ng Pinog Big Brother.
Unang pag kakilala kay Franzen, marami na ang humanga sa kanya dahil sa taglay nitong kasipagan at didikasyon sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ngunit di nag tagal marami ang nadismaya sa ipinakita ni Franzen sa loob nga bahay. Masayahin man ito, marami pala itong tinatagong sikreto kung saan ito ang naging rason na siya ay tuluyang ipinalabas sa bahay ni kuya.
Dahil sa kanyang kakulitan sa loob ng bahay, dinamay pa niya si Jason Gainza sa mga kalokohan nito.
Si Franzen nga ang kauna unahang hinatulang force evictee dahil sa mga violations nito. Kagaya nalamang ang magsulat ng secret message sa lamesa at ang pag "whisper" nito sa kanyang mga kasamahan na labis na pinagbabawal sa lahat.
Matapos nga maka labas sa PBB, nasaan na kaya si Franzen?
Taong 2018, nga ibinalita na siya ay masaya at tahimik na namumuhay sa Singapore kasama ang pamilya nito.
Marami man sana ang inalok siya sa pagpasok sa showbiz mas pinili ni Franzen ang mamuhay ng tahimik at tuluyang iniwan ang mundo ng Showbiz Industry.
Umalis man at namuhay ng masaya si Franzen, patuloy parin nitong kinakausap ang batchmate nito sa Pbb na sina Say Alonzo, Nene Tamayo, at Sam Milby.
Sa ngayon, walang na bagong balita kung ano nga ba ang hinaharap ni Franzen, ang tanging alam lang ay siya ay namumuhay ng masaya kasama ang pinaka mamahal niyang pamilya sa Singapore.
Source: The Relatable
No comments