Kung ating matatandaan, inanunsyo noong kalagitnaan ng taong 2016 na planong magbukas ng isang Swedish furniture company na IKEA ng kanilang kauna-uhanang establisyemento sa Pilipinas.
Simula noon, marami naman kaagad sa atin ang nakasubaybay at talagang tinitignan kung mayroon ng update kung saan maaaring itayo ang naturang store at kung ano pa ang mga bagay na inaasah nating makita sa loob nito.
Ayon sa ilang ulat noon, ang IKEA Philippines ay dapat matatapos ng gawin at bubuksan na rin sa publiko ngayong 2020, ngunit, tila maghihintay pa tayo ng kaunting buwan dahil bubuksan pa lamang ng IKEA sa publiko ang kauna-unahang branch store nila sa bansa pagpasok ng 2021.
Marami na rin sa atin ang hindi na makapaghintay na makakuha pa ng kahit anong update tungkol sa furniture store na magbubukas sa susunod na taon. Ito naman ay matatagpuan sa Mall of Asia complex, sa pagitan ng MOA Arena at SMX Convention Center.
Ayon naman sa ilang pahayag ng IKEA Philippines sa kanilang official website, itinakda ng buksan ang store sa publiko sa 2021.
Sa ngayon naman, wala pang kahit anong impormasyon ang ibinahagi kung kailan ang eksaktong bukas ng furniture store.
Inanunsiyo rin na plano pa ng Swedish furniture na magbukas ng ilang branches dito sa bansa, ang isa ay matatagpuan sa Subic Bay Community Center at ang isa naman ay katabi ng SM Fairview.
Sa kasalukuyan, narito muna ang ilang mga bagay na dapat nating hintayin na makita para sa kauna-unahang IKEA branch sa bansa:
* Ang IKEA Philippines store ay maituturing na pinakamalaking IKEA branch sa bansa dahil na rin sa sukat nito na tinatayang nasa 65,000 square meters.
Saad ng Managing Director of IKEA Southeast Asia na si Christian Rojkjaer,
"A typical IKEA store is around 35,000 square meters. The one we have designed will be around 65,000 square meters. That's equivalent to more than 150 basketball courts."
Kahit pa man magkamukha lang ang branch ng IKEA Philippines sa iba pang IKEA branch sa buong mundo, sinasabi na mas malaki ang sukat ng branch ng naturang store sa bansa dahil na rin sa laki ng warehouse, e-commerce facility, at ang intergrated call center na nasa loob ng naturang branch.
* Ang IKEA store din ay nakadugtong lamang sa mall kaya naman mas mapapadali itong hanapin ng mga taong madalas na nasa mall.
* Habang ikaw naman ay abala sa pagsho-shopping sa IKEA branch, maaari mo namang dalhin ang iyong mga anak sa IKEA Playroom. Ngunit, wala ka rin dapat ipagalala dito dahil ito naman ay binabantayang mabuti para masiguro na ligtas ang iyong anak habang ikaw ay abala sa pagsho-shopping para sa inyong bahay.
* Ang IKEA store rin sa Manila ay maroong full-service restaurant na matatagpuan sa loob nito. Kaya naman tiyak na mas lalo natin itong hinihintay na makita dahil maaari na rin nating matikman ang isa sa mga sikat na pagkain para sa Sweding furniture brand na meatballs.
* Bukod pa diyan, ang IKEA Philippines rin ay mayroong mahigit na 9,000 na produkto maging sa kanilang store pati na rin sa online.
* Asahan rin natin na muralamang ang presyo ng kanilang mga produkto dahil maaaring hindi rin pansinin ang kanilang DIY furniture kung sakali man na dodoblehin o titriplihin nila ang presyo ng mga ito.
"We always strive to offer the lowest prices in the market to make sure that our range is affordable for as many people as possible."
Source: The Relatable
No comments