Binanatan ni retired broadcaster at TV host na si Jay Sonza ang News5 matapos magpahayag ang nasabing network na mahahati umano ang boto ng Mindanao kapag tumakbo bilang presidente si senador Manny Pacquiao.
“Ibinabalita ng TV5 na sa pagtakbo ni Pacman bilang presidente, tiyak mahahati ang boto ng Mindanao.”
Ipinaalala ni Sonza ang pagkatalo ni Pacquiao noong tumakbo ito sa mismong lugar nito sa General Santos City.
“Hoy! TV5, gusto kong ipaalam sa Inyo na sa Gen. Santos City pa lang, tumakbo si Pacquiao noon pa man, nangamote siya kay Rep. Darling Antonino-Custodio,” sabi ni Sonza.
“Iyon ang dahilan kaya siya lumipat sa Sarangani, namudbod ng pera at tumakbo bilang congressman,” dagdag nito.
Ayon kay Sonza, hindi raw “tanga” ang mga taga Mindanao upang iboto si Pacquiao sa pagka-presidente.
“Hindi tanga ang mga Mindanawan para bumoto sa isang Manny Pacquiao bilang presidente."
Sa ngayon ay mayroon ng 16k reactions, 1.9k comments at 1.2k shares ang post ni Sonza.
Narito ang buong post ni Sonza:
“Ibinabalita ng TV5 na sa pagtakbo ni Pacman bilang presidente, tiyak mahahati ang boto ng Mindanao.
Hoy! TV5, gusto kong ipaalam sa Inyo na sa Gen. Santos City pa lang, tumakbo si Pacquiao noon pa man, nangamote siya kay Rep. Darling Antonino-Custodio.
Iyon ang dahilan kaya siya lumipat sa Sarangani, namudbod ng pera at tumakbo bilang congressman.
Hindi tanga ang mga Mindanawan para bumoto sa isang Manny Pacquiao bilang presidente.
Kung gusto ninyo pustahan pa.
Palito kontra Posporo - meaning kapag natalo si Pacquiao, Iimbargo ng gobyerno ang TV5, CignalHD, Maynilad Water, NLEX, PLDT, SMART, TnT, Digitel, Philippine Star, Business World, Inquirer, Makati Medical Center at iba pang sister companies ninyo, isama nyo pa pati salawal ni MVP.
Dare!”
Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:
***
Source: Jay Sonza | Facebook
Source: News Keener
No comments