Masayang inanunsyo ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa na magdo-donate ang kanilang bansa ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas.
Ani Koshikawa, wala pang eksaktong date kung kailan darating ang mga bakuna ngunit siniguro niyang madedeliver agad ang mga ito sa ating bansa.
“Glad to be the bearer of good news today! Japan will donate AstraZeneca vaccines to the Philippines, and we’ll make sure to deliver them at the soonest possible time so no one gets left behind during this pandemic,” ayon sa tweet ng Japan ambassador sa Maynila.
Una nang hinayag ni Japanese Foreign Minister Toshimitsu Motegi na posibleng magbigay ng donasyon na bakuna ang Japan sa Pilipinas.
Ito’y matapos niyang ihayag na magbibigay sila ng isang milyong bakuna sa kalapit na bansang Vietnam.
***
Source: Abante
Source: News Keener
No comments