Hinangaan ng mga netizens ang isang apat na taong batang babae mula sa Lanao Del Norte na nakapag-ipon ng pera upang makatulong sa panganganak ng kanyang ina.
Kwento ng tita ni Althea, ang ipon umano ng kanyang pamangkin ay pambili raw sana ng kanyang mga kagamitan sa pag-aaral.
Mula sa mga barya-baryang ibinibigay ng kanyang mga kapamilya at kamag-anak ay unti-unti itong inipon ng bata.
Sa murang edad ay natuto na si Althea na mag-ipon at nakabuo ito ng P1,500 na sinimulan niya noong 2018. Ngunit dahil sa kagipitan ng kanyang mga magulang ay nagpasya ang bata na ipandagdag sa panganganak ng kanyang ina ang naipon.
Laking pasasalamat at tuwang tuwa ang mga magulang ni Althea dahil sa murang edad ay marunong na ang kanilang anak na magpahalaga at mag-ipon ng pera.
Ibinahagi sa social media ng tita ni Althea ang kanyang mga larawan upang maging inspirasyon ng mga kabataan.
***
Source: We Are Pinoy
Source: News Keener
No comments