Jack Roberto at Barbie Forteza, 'Binantaan' Umano Ng Kilalang Vlogger Na Si Sassa Gurl

Kilala si Sassa Gurl sa totoong buhay bilang si "Felix Petate" isa siyang internet sensation at sikat sa paggawa ng mga content kung saan puro pag papatawa ang halos sa mga ito.

Karamihan sa kanyang video ay makikita sa TikTok at YouTube.

Siya ay isang miyembro rin ng LGBT Community kung saan ito ang isang dahilan kung bakit natutuwa ang mga tao sa mga content at video na ginagawa nito.


Gamit ang kanyang Tiktok account gumawa ng video si Sassa kung saan sabi niya rito na kabahan na raw sina Jak at Barbie sa kasakitan nila dahil sya  na raw ang susunod na magiging sikat.

Pati na rin sa maging laman ng balita ay tungkol rin daw sa kanya matapos nga siyang ma e feature sa isang kwento sa programang "Wish Ko Lang". 

“Oh, ‘di ba? So, ito na nga. Na-feature ako sa GMA Network. Lagooooot! ‘Di ba? Hindi n’yo kaya. May balita na sa ‘kin,” pahayag ni Sassa Gurl sa tiktok video nito.

Dinagdagan niya ito ng biro tungkol sa loveteam nina Jak Roberto at Barbie kung saan siya na raw ang susunod na pag uusapan at hahangaan.

“So, naaalala n’yo ‘yung news kay Barbie Forteza at saka Jak Roberto, na laging pinopost ng GMA Network,” pagdadagdag ni Sassa Gurl. 

Ito na raw ang pagkakataon na siya naman di umano ang pupuno ng headlines sa mga balita.

“Kabahan na kayo Barbie Forteza at Jak Roberto dahil ako na. Ako na ang binabalita ng GMA. Lagot!” pagbibiro pa ni Sassa.

Sa kabilang banda, akala ng ilang JakBie Fans ay di nakakatuwa ang pagbibiro ni Sassa. Kaya naman matapos mapanood ni Barbie Forteza ang video nito, ay agad niya naman itong ni replyan ng sariling niya rin video sa TikTok.


Sa caption ni Barbie na "Lagot!! Go Gurl!!" akala ng ilang mga fans na totoo ang pagbabanta ni Sassa.

Ngunit, ito lamang ay puro katuwaan. Nag upload naman ng "Public Aplogy" Video si Sassa tungkol sa kanyang pagbibiro kina Jack at Barbie. Sa kanyang video binanggit niya rin na nag iisa lamang si Barbie bilang "diyosa ng GMA Network".

Ang pagva-vlog ay nauso noong lumaganap ang pandemic sa Bansa. Isa lamang sina Ivana Alawi, Zeinab Harake, CongTv at Donnalyn Bartolome ang top10 popular vloggers sa mundo ng YouTube.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services