Ina Ng Batang Nag-Aararo Sa Edad Na 10, Binatikos Dahil Biglaang Bumalik Matapos Dumagsa Ang Tulong Sa Anak

Umani ng tulong mula sa ibat ibang organization at ibang tao ang batang si Reymark Mariano matapos itong mag viral sa programang KMJS "Kapuso Mo Jessica Soho". 

Ito ay matapos pinalabas sa isang episode ng KMJS ang kwento sa likod nga sampung taong gulang na bata kung saan sa mura nitong edad ay pinagdadaanan na niya ang mga trabaho na hindi angkop sa kanyang kakayahan. 

Sa edad na 10-taon-gulang ay namulat na sa realidad si Reymark dahil sa kawalan ito ng mga magulang dahil ang ama ay nakul0ng at iniwan ito ng kanyang ina, kaya naman todo kayod siya para may makain lang sa isang araw ng tatlong beses.


At ang kanyang palaging kasama sa sakahan ay ang kanyang kabayo na si Rabanos na 24-taon-gulang na, at nanghihina na ito dahil sa katandaan.

“Nagawa ko pong mag-araro dahil sa kanya. Hindi rin niya gusto pero anong gawin namin?,” dagdag pa niya.

“Miss ko na, dahil napapagod na po akong mag-araro dahil lang sa kanya. Kung nandito lang po siya, hindi na po ako mag-aararo. Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko.,”. pahayag pa ni Reymark. 

Hiwalay si Reymark sa kanyang Ina matapos itong iwan at nag hanap ng trabaho. Nakakulong naman ang kanyang ama kaya wala ng ibang makakasanga sa buhay si Reymark. 

Kaya abot langit ang saya ng bata dahil sa mga natanggap nitong mga donasyon kagaya nalang ng saku-sakong bigas, canned goods, pera at iba pa.

At nito lang ay lumutang at bumalik ang kanyang Ina. Walang daw siyang ibang hinangad kundi ang matulungan at ma suportahan ang kanyang anak na si Reymark.

Ngunit marami ang bumatikos sa kanya dahil umano kung saan may mga tumutulong na kay Reymark ay doo n naman sya nagpakita at nagpa interview. Sa tingin nyo, ano kaya ang motibo ng Nanay Ni Reymark.?

Gayunpaman, masaya na ngayon si Reymark sa pagbabalik ng Ina at tumigil na din sya s apag-aararo.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services