Gamit Na Pag-aari Umano Ng Mangkukulam, Natagpuan Ng Lalakeng Naglalakad Lamang Sa Gubat

Minsan ang pag diskubre sa ibat ibang klaseng bagay ay nakakakilabot. Gaya nalamang ang nakita ng isang 52-year-old na si Shane Mears na mula sa New Orleans.

Isa sa mga mahilig gawin ni Shane ay ang pag hukay ng mga antic na mga bagay kung saan saan. Si Shane ay nagtratrabaho sa New Orleans bilang isang bartender, at isa rin siya sa mga Avid Relic Hunter.

Ang nakakakilabot sa pangyayari na ito, ay pag diskubre ni Shane sa isang bote kung saan isa ito sa mga nakita niya sa paghuhukay. Ang bote na kanyang nakita ay naglalaman ng buhok, ngipin at parang isang ihi ng tao.


Ito ay naging viral sa social media matapos binahagi ni Shane ang kanyang na diskubre. Maraming tao ang siyang nga komento tungkol sa kanyang post at karamihan sa mga ito ay hindi sang ayon na galawin niya kung ano man ang nilalaman nito.

Marami din ang nagsasabi na ibalik nalamang ito kung saan niya nakita at nahukay dahil baka ito ay nagdadala ng kamalasan.


Marami din ang nagsasabi na wala lang ito at pwde nang itapon. Meron din ang nagsasaad na lahat ng mga hindi maipaliwanag na bagay ay totoo.

Ayun sa paliwanag ni Shane ang bote na kanyang nakita ay malamang taong 1800s pa ito. Ngunit ang ilan ay nagsasabi na sa mga taon na ito ay hindi pa uso ang mga mangkukulam.

Kaya naman, ibinigay nalamang ni Shane sa isang museum ang nakakakilabot na bote na ito.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services