Kapag ang isang tao ay may kundisyon na Bell's Palsy ang isang bahagi ng kanilang mukha ay tumatabingi dahil sa panghihina ng mga kalamnan nito. Ang cranial nerve VII na siyang nagsusuporta sa kalamnan ng mukha ay ang madalas tamaan ng kondisyon at pamamaga.
Ang mga taong may Bell's Palsy ay maaaring makadama ng pananakit sa taynga, maaaring hindi makadinig, at mawalan ng panglasa sa pagkain, maliban sa pagka-paralysis ng kanilang facial muscles. Ang paggalaw din ng eyelids, pagkisap, at pagkurap ay maaari ding sanhi ng pagkaparalisa ng facial muscles. Mayroon din hindi mapigilan ang pagsara ng bibig at pagngiti.
Ngunit hindi pa rin matukoy ang sanhi ng pagkakaroon ng Bell's Palsy. Ngunit sinasabi na ito ay dulot ng herpes simplex bayrus, ayon sa paniniwala ng mga neurologist.
Nagkakaroon ng Bell's palsy kapag ang cranial nerve VII ay tinamaan. Ngunit, mayroon namang ibang tao ang naniniwala dahil ito ay maaaring sanhi ng sobrang pag-iisip sa gabi, exposure sa lamig, at marami pang iba.
Katulad na lamang ng isang netizen na si Pamela Rollo na nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa pagkakaroon ng Bell's Palsy. Kwento niya ito ay nagsimula sa pagiging hindi natural na pagluha ng kaniyang mata, pagbaba ng kaniyang potassium at dugo sa katawan.
Pagbabahagi ni Pamela,
"Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi."
Kwento niya sa kaniyang Facebook post, ang pagtulog ng basa ang kaniyang buhok ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong kondisyon. Hinala din ni Pamela na nakadagdag dito ang pagpupuyat, pagkain madalas sa mga fast food chain, nakatutok sa aircon o electric fan habang natutulog, stress, at ang madalas na pag inom ng milk tea.
Dagdag nya,
"Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa Cream Cheese, oreo, love potion, pearl milk tea at GOLDEN SUN. PUYAT? Tumaas nga rank ko sa mobile legends tumabingi naman yung pisngi ko. Nakakatamad na magpatuyo ng buhok bago matulog, I suggest, WAG KANA MALIGO. Nakatutok sa fan, hays! Paikutin mo nalang, kesa mahipan ng masamang hangin. Tumabingi din tulad sakin. Tandaan, HINDI KA MAYAMAN."
Sa kasalukuyan, si Pamela ay sumasailalim sa therapy at umiinom ng Vitamin B para sa paggaling ng kaniyang kundisyon.
"Now I am currently taking corticosteroid drvgs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaining good health and well-being. Eye drops to prevent impeksyon. Praying for my fast recovery."
Ang Facebook post naman ni Pamela Rollo ay nabura na ngayon sa hindi pa natutukoy na dahilan.
Source: The Relatable
No comments