Babaeng Ginagamit Ang Cellphone Tuwing Gabi Na Nakapatay Ang Ilaw, Nagkaroon Ng 500 Butas Sa Kanyang Cornea


Isa sa pinakaimportanteng bahagi ng ating katawan ay ang ating mga mata dahil ito ang nagsisilbing daan upang makita natin ang ganda na mayroon ang ating mundo. Kaya naman isa din ito sa pinaka-iniingatan natin sa lahat.

Ngunit, mayroon pa ding pagkakataon na ang kakayahan nito ay napagsasamantalahan natin.

Sa mga teknolohiyang nauuso at nagagawa sa panahon ngayon, hindi natin naiiwasan ang madalas na pagtingin sa ating mga gadgets na halos buong araw natin ay naka-pokus na lamang dito, dahilan para hindi natin mapahinga ang ating mga mata.

Kaya naman isa din ito sa mga nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng diperensa ang ating mga mata.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat ang epekto sa atin, hindi lamang sa ating mga mata kung hindi maging sa ating mga kalusugan, ng sobrang paggamit ng ating mga gadgets. Ngunit, hindi alam ng karamihan sa atin na ang sobrang liwanag na hatid ng ating cellphone ay maaaring makasira sa ating mga mata.

Katulad na lamang ng nangyari sa isang babaeng taiwanese kung saan muntik na itong mawalan ng paningin dahil sa sobrang paggamit ng cellphone.


Madalas gamitin ni Chen ang kaniyang cellphone habang nakapatay ang ilaw sa loob ng kaniyang kuwarto kaya naman hindi din niya maiwasan na gamitin ito ng nakatodo ang liwanag.

Kahit pa man bago matulog o magpahinga si Chen galing sa trabaho bilang isang secretary, ginagamit muna niya ang kaniyang cellphone pampalipas ng oras hanggang sa dalawin na siya ng antok, ngunit, palagian pa ring nakatodo ang screen brightness nito.


Ang kaugalian nito ni Chen ay tumagal ng dalawang taon. Ngunit, taong 2018, nagsimula nang makaramdam si Chen ng pagkairita sa kaniyang mga mata.

Noong una ay hindi ito pinansin ni Chen at nilagyan lamang niya ito ng eyedrop upang mawala ang pagkairita sa kaniyang mga mata. Paglipas ng ilang araw, doon na niya napansin na nagsisimula na ring maging mapula ang kaniyang mga mata kahit pa man sinusubukan niya itong lagyan ng eyedrop.

Maliban pa diyan, nagsimula na din siyang makaramdam ng sakit at kirot mula sa kaniyang mga mata kaya naman mabilis siyang pumunta sa doctor upang ipatingin ang kaniyang mga mata.


Ayon sa kaniyang doctor, ang blood vesssel sa kaliwa ng kaniyang kornea ay halos mapuno na ng dugo na naging sanhi din kung bakit humina ang kaniyang paningin ng nasa 0.6. Samantala, sa kanan naman ng kaniyang kornea ay mayroon ng maliliit na butas na nasa 500 na at isa din sa naging sanhi ng pagkababa ng kaniyang paningin na umabot na sa 0.3.
Pagpapatuloy ng doctor, ang malalang pangyayaring ito sa mga mata ni Chen ay dahil sa screen brightness ng kaniyang cellphone na mayroong 625 lumens. Ang lebel lang kasi ng lumens na nirerekomenda ng mga doctor ay nasa 300 lamang.


Dahil sa pangyayaring ito kay Chen, nagbigay naman siya ng babala para sa lahat na huwag ng gumamit ng cellphone at ito ay nakatodo pa ang brightness habang ang ilaw naman ay nakapatay.

Sinabi din ng mga doctor na iwasang gumamit ng cellphone na mahigit sa dalawang oras habang ang screen brightness ay nakatodo dahil ito ay magiging sanhi ng pagkakaroon ng diperensa sa mata o ang mas malala ay pagkabulag.

Ugaliin din na hinaan ang screen brightness ng inyong mga cellphone upang hindi ito maging sanhi ng pagkairita ng inyong mga mata.

Source: The Relatable

No comments

Seo Services