Sa panahon ng pandemya na nararanasan ng iba’t-ibang bansa, masasabing marami ang nawalan ng kabuhayan kung saan marami din ang mga negosyo ang nalugi at nagsara. Kaya naman masasabing sa panahon ngayon ay napakahirap na maghanap ng trabaho lalo na kung ikaw ay wala pang experience o kaya naman ay kulang pa sa kaalaman.
Pero mabuti na lamang at kahit na may kinakaharap na mabigat na suliranin ang bansa ay meron pa ring mga technical instutions na handang magturo upang mabilis na makahanap ng trabaho.
Katulad na lamang ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na kung saan ay nagbibigay ng opportunidad sa mga gustong matuto ng iba’t-ibang technical skills.
Isang post ngayon sa socmed patungkol sa programm ng TESDA ang mabilis na nagviral matapos na ibahagi ito ni Elmalyn Almario Claveria.
Sa kanyang post ay iniimbitahan nito ang may mga edad na 18 to 65 taong gulang na sumubok o lumahok sa programa ng TESDA. Kung saan ito ay nag bibigay ng free course at may free allowance benefits pang kasama.
Narito ang kanyang post na ibinahagi, ito ay umabot na sa mahigit 27,000 shares at 13,000+ na ang nagbahagi ng comment sa nasabing post.
Ilan sa mga course na nakasama sa kanyang ibinahagi na post ay ang “Organic Agriculture Production”, kung saan kinakailangan na pumasok sa oras na 8:00 hanggang 3:00, mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang benepisyo na matatanggap naman sa pag pasok sa kurso na ito ay 160 per day, 500 para sa PPE, 5000/ Instructional materials.
Ang kinakailangan na requirements naman para dito ay High school Diploma, Medical/Drug test, NBI, Police Clearance, Certificate of Indigency, 1x1 Picture, at passport size with name tag.
Ang ibinahagi na ito ni Elmalyn ay napakalaking tulong para sa mga naghahanap ng trabaho kung saan ay matututo na sila, nagkaroon pa sila ng pagkakataon na makatanggap ng mga allowance at benefits.
Source: The Relatable
No comments