Aksidenteng nagamit na panggatong ni lola Honorata Gahis, 95-anyos, ang kanyang ipon na perang nagkakahalaga ng P14,000.
Si lola ay mula sa San Juan, Laur, Nueva Ecija.
Sa Facebook post ng apo ni lola na si Sarahlie Gahis De Guzman, ibinahagi nito ang nakakalungkot na nangyari sa kanyang lola at umaasang may makakatulong sa kanila.
“Sa di inaasahang pangyayare ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po,” sabi ni Sarah.
Umaasa si Sarah na matulungan ang kanyang lola sa programang “Kapuso Mo Jessica Soho.”
Kwento niya, aksidente umano nitong naitapon ang bundle ng pera upang magamit na panggatong habang nagsasaing ng bigas.
Umaasa sina Sarah at lola Honorata na mapapalitan ng Bangko Sental ng Pilipinas ang nasunog na pera.
“S[a]na po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas k[u]ng ito po ay p[we]de pang mapalitan… d[a]hil sya po ay nagsasaing ng mga oras n[a] n[an]gyari po ‘yon,” sabi ni Sarah.
Narito ang kanyang buong post:
“Gud am mam jesica soho,meron po sana aq ilalapit sa inyo, n sana po matulungan nyo po ang aming lola HONORATA GAHIS na edad 95 taong gulang naninirahan sa bgry.San Juan, Laur, Nueva Ecija, dahil po sa di inaasahang pangyayare ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po at sna po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas kng ito po ay pde pang mapalitan.. dhil sya po ay nagSasaing ng mga Oras n ngYari po un,. Ilalapit ko po ito sa inyo at sana po matulungan nyo at mapansin nyo po ang aming hinaing o amin pong nais..
Pkishare nlng po”
Pkishare nlng po”
Narito naman ang komento ng mga netizens:
***
Source: News Keener
No comments