Ipinagtanggol ng talent manager at broadcaster na si Ogie Diaz si Angel Locsin mula sa mga bashers nito patungkol sa nangyaring insidente sa inilunsad na community pantry ng aktres.
Ogie Diaz and Angel Locsin / Photo credit to the owner
“So saakin lang ay sana nasisilip nung ibang tao, although yung iba kasi nag bubulag bulagan sa lahat ng ginagawang kagandahan at kabutihan ni Angel. Sana nasisilip niyo din yung kabutihan ni Angel. Lahat, in fairness to Angel napaka consistent niya…” sabi ni Ogie.
“Sabi kasi nila itigil na daw ni Angel ang pamumulitika. Ano bang pamumulitika, kayo naman masabe niyo lang pamumulitika hindi niyo naman alam ang meaning. Masabe lang na kayo ay naka ano, updated sa mga pulitika… Hindi naman din ano si Angel, tatakbo…” dagdag ni Ogie.
Photo credit: Inquirer
Angel Locsin / Photo credit: ABS-CBN
“Baka natatakot sila na tumakbo si Angel,” sabi naman ni Mama Loi.
“Kasi mananalo si Angel kung tatakbong senadora. Ganun lang kasimple. Senadora yan o congresswoman or party list. Eh mas marami pa ngang ginagawa si Angel kaysa sa ibang congressmen hello…” sabi ni Ogie.
“Yan bang mismong tumutuligsa kay Angel may nagagawa, para sa bayan? Ano pakiisa-isa po. Karamihan po eh puro ano lang eh, puro bashing through the snow….” dagdag ni Ogie.
***
Source: ShowbizChika
Source: News Keener
No comments