Lalakeng Naaksidente Na Wala Man Lang Kahit Isang Galos, Viral Matapos Nakitang Lumuhod At Nagdasal

Sa mundong ating ginagalaw may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado na nanangyayari. Kung minsan pa nga ay nagreresulta sa hindi magandang bagay o pangyayari sa ating buhay. Pero ganon pa man ay lagi pa rin naman tayong pinoprotektahan at ginagabayan ng may kapal, na ating dapat na pinagpapasalamat sa araw-araw ng ating buhay.

Katulad ng nangyari sa lalaki na ito na ibinahagi sa isang socmed page na 103.9 Radyo Badera Bacolod. Kung saan ay mayroong isang lalaki na matapos maaksidente ay hindi nakalimutang magdasal at lumuhod, matapos maging ligtas sa aksidente.

Sa larawan na ibinahagi ng 103.9 Radyo Bandera Bacolod ay makikita na matindi ang tinamong sira sa pagkakaaksidente ng kotseng sinasasakyan ng lalaki. Makikita ang sirang pinto ng sasakyan at basag na mga salamin.

Kahit na hindi maganda ang sinapit ng sasakyan ng lalaki ay balewala lamang ito sakanya at makikita na mataimtim itong nagdasal.

Kaya naman ang kahanga-hanga na post na ito ay mabilis na kumalat sa socmed at maraming netizens din ang nagbahagi ng kanilang paghanga sa matibay na pananampalatay ng lalaki.

Narito ang mga comment na ibinahagi ng mga netizens:

GOD IS ALWAYS THERE ALL THE TIME THANK YUO GOD

GOD is Good all the time

Message of this this news is " Be reminded that GOD IS WITH US ALL THE TIME; pangamuyo lang permi kay ubayan ka gid.

Ang nangyari sa lalaki ay isang magandang paalala din sa atin na sakabila ng mga bagay na hindi magandang nangyayari sa ating buhay ay wag sana nating kalimutan na mayroon ding mga bagay na nangyayari sa atin na maganda.

Katulad ng nangyari sa lalaki sa nasabing post, kung saan bagama’t nasira man ang sasakyan nito ay maayos naman ang kondisyon ng kanyang katawan at buhay.=


Source: The Relatable

No comments

Seo Services