Ginagawa ng ating mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para lamang mabigay ang isang magandang buhay para sa atin. Nagtatrabaho sila ng mabuti upang sa gayon ay mabigay nila ang kinabukasan natin.
Kaya tayong mga anak, dapat din natin suklian at ibigay ang nararapat para sa ating mga magulang. Dapat nating sundin ang kanilang mga inuutos dahil ito ay para din sa ikakabuti natin at dapat natin sila mahalin gaya ng pagmamahal at pagkalinga na ibinibigay nila sa atin.
Ang ating mga nanay ay dumaan sa mahirap na proseso para lamang tayo ay mabuhay sa mundong ito. Upang ipanganak tayo, sila ay dumaan sa normal delivery o kaya naman sa cesarian.
Ngunit, hindi nila ininda ang sakit na kanilang pinagdaanan, dahil ang makita lamang nila tayo at marinig ang una nating iyak, ay isa sa mga pinakamasayang pakiramdam para sa kanila.
Matapos mapanood ang video clip, marami sa mga nanay ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol sa video. Ang iba sa kanila ay ibinahagi ang kanilang karanasan ng sila ay nanganak habang ang iba naman ay naiiyak sa tuwa habang inaalala ang kanilang kaparehong karanasan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"No matter how many births I've seen, whether in person or online, it never ceases being magical. It's such an amazing process."
"I just cant stop my tears to see this vedio, how precious life is, in his first breath and first cried just imagine how life can be till our last breath in this world... ??? for children love ur parents.."
Narito ang isang maikling video clip na magpapakita ng isang ina na pinapanganak ang kaniyang anak na talagang tutunaw sa ating puso:
Source: The Relatable
No comments