Kayo ba ay "aware" sa inyong kinakain sa araw-araw? Alam nyu ba na posibling may bacteria o di kaya may halo ng samut saring basura ang mga inaahin sa inyung lamesa?
Kagaya nalamang sa post ng isang netizen kung saan makikita sa unang litrato ang preska at malaking isda na kung tawagin ay "Dorado".
Sa kabilang banda, laking gulat ng ama ni Mary Vanessa Guzman Tan ang pag bili nito ng isda ng kanyang makita mismo na puro pala basura ang laman ng Tiyan ng nasabing isda!.
Sino nga ba naman ang mag aakala na sa unang tingin ang isda ay sariwa ngunit ng ito ay hiwain maraming dumi pala, dulot ng basura na nasa loob nito. Talagang nakakadiri tingnan!
Ito naman ang naging pahayag nu Mary sa nasabing post;
“My father’s routine almost every morning is to buy fresh fish in Jacana. He went straight to his suki this morning to look for what is available from his fresh catch. He decided to buy a kilo or two of dorado. Since the fish was huge, the vendor sliced it open and as they revealed the insides of the fish, they were surprised to see trash, aside from some squid that the fish had eaten,” salaysay ni Tan.
“Yes basura. Basura na nilunok o nalunok ng isda. There were candy wrappers, bottle caps of softdrinks (Royal pa nga yung isa), a yellow plastic spoon and Salonpas. Basura sa tiyan ng isda. The fish was caught in the waters of Palawan. Even the fisherman was shocked of what he saw.”
“Ewwwness talaga. Dahil sa kalamangan ng tao, pati lamang dagat nadadamay. This only means that our ocean is being flooded with trash. Sabi nga ng Tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na pagbukas ng tiyan ng isda, puro basura.”
“The photo shows what they’ve found inside the intestines of the fish,” aniya. Kalakip ng post ang kuhang larawan ng iba’t ibang mga bagay na nakuha mula sa loob ng tiyan nito.
Sana naman, magdagdag ito ng leksyon sa atin na tayo ay may responsibilidad sa mga basura na ating tinatapon sa bawat araw na lumipas. Hindi lamang ang nakatira sa dagat ang namamatay kundi pati rin ang mga tao na nagpapasimuno ng kalat sa daan at pati na rin sa karagatan.
Magsilibi sana itong pamukaw sa mga tao na ating alagaan ang ating sariling yaman. Tao ay naninirahan lamang dito sa lupa at kailanman kung ano ang mayroon sa atin ngayon ito ay pagmamay ari ng Siyang totoong nag mamay ari. Ito ay hiram lamang na dapat nating alagaan at pahalagahan.
Source: The Relatable
No comments