Isang Flight Attendant, Nasisante Matapos Mangyari Ang Bagay Na Ito Habang Nasa Flight

Nag viral kumakailan sa social media ang tungkol sa isang Flight Attendant kung saan nag propose ang nobyo nito sa gitna ng kanilang flight.

Karamihan sa mga lalaki ay nag iisip ng paraan upang makuha ang matamis na "oo" ng kanilang minamahal. Taon man ang hihintayin hindi ito ang magiging rason upang tumigil makuha lang ang oo ng kasintahan.

Ngunit sa kabilang banda, mayroong mga lalaki ang siyang nababasted pag dating sa proposal. Iilan lang ang mga pagkakataon na ito ngunit alam natin na masakit para sa kanila ang hindi pag tanggap ng "oo" sa kabila ng kanilang ginawang effort na kung sana ay mapa oo ang kanilang mga girlfriend na soon to be wife na sana.

Iba naman ang naging karanasan ng isang Flight Attendant matapos nga mag propose sa kanya ang kanyang nobyo.

Marami man ang nakilig at nagandahan sa naging eksena ang masaklap lang ay nasisante ang mismong Flight Attendant dahil sa kapabayaan nito sa ilang mga pasahero.

Ang Flight Attendant na babae ay nagtratrabaho sa China Eastern Airlines. Dahil nga sa naging viral ang eksenang ito umabot ito sa opisyales mismo ng Airlines kung saan nagtratrabaho ang babae, tinago naman ang kanyang totoong pangalan ng sa gayon siya ay maprotektahan.

Ayun pa sa post ng babae,

"I really don't know that may boyfriend would be proposing to me on this flight. Thanks for being my witness"


Ang malungkot lang ay nasisante ang babae dahil sa kapabayaan nito sa kanyang trabaho na naging resulta ng pagkagulo nga mga pasahero at ang hindi na nito pag bantay sa ano mang nangyayari sa araw mismo ng kanyang proposal.



Source: The Relatable

No comments

Seo Services