Bakit Kailangan Maglagay Ng Barya Sa Loob Ng Freezer Kung Aalis Ng Matagal?

Kung ikaw ay nagbabalak ng bakasyon sa loob ng dalawang araw o mas higit pa ito ang mainam na gawin ng sa gayon hindi mapanis o maitapon ang naiwang mga pagkain sa loob ng freezer.

Hindi natin malalaman pag nawala ang power electricity sa ating bahay kung tayo man ay may balak na umalis, ano kaya ang mainam na gawin o paraan upang malaman kung nawalan nga ba ng kuryente ang ating bahay. 

Isa sa aking nahagilap na impormasyon ay ang paglagay ng tubig sa isang baso at kapag ito ay tuluyan ng tumigas mag lagay ng isang barya sa ibabaw nito. 

Ano ang ibig sabihin nito? 

Pag tayo ay umalis at pag balik natin nandoon parin sa ibabaw ng baso ang barya ibig sabihin nito hindi nawalan nga power consumption habang tayo ay nass labas nga bahay. 

Kapag nasa gitna naman ang barya, ibig sabihin namatay ang kuryente at agad lang itong bumalik. Pag ganito ang nangyari sa Posibilidad na ang mga pagkain na nasa freezer ay pwede pang kainin. 


Kapag nasa ilalim naman ang barya ibig sabihin matagal na na exposed ang pagkain na magbibigay dahilan na ang pagkain na nasa loob ng freezer ay may tendency na ito ay napanis at hindi na pwedeng kainin. 

Kung hindi kanaman sigurado sa iyong lulutuin mabuti nalamang na itapon ito dahil sa huli ang kalusugan parin natin ang siyang importante na alagaan.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services