Lolo na may Kapansanan, Naghahanap-Buhay katuwang ang mga Alagang aso; Umantig sa puso ng mga Netizens.

Talaga nga  napaka hirap ng ating buhay sa ngayon, ngunit tayong mga pilipino ay hindi sumusuko sa hamon ng buhay.

Nakakahanga talaga ang mga mahihirap na gumagawa ng paraan upang maitawid ang pamumuhay sa malinis na paraan.

Ngunit kakaiba ang lolo na ito na sa kabila ng kanyang edad at kapansanan ay patuloy parin sa paghahanap buhay kasama ang kanyang mga mahal na alagang aso.


Dito mapapatunayan na Man's Bestfriend ang ating mga alagang aso, na talaga namang sinamahan sa paghahanap buhay ang kanilang amo. Si lolo ay nag aayos ng mga sirang payong.

Sa larawan na kuha ni Argem Grace Ann Orcado, ay makikita na katulong ni lolo ang kanyang mga alaga sa pagbitbit ng kanyang mga kagamitan sa pag lilibot upang kumumpuni ng mga sirang payong na siyang pinagkakakitaan ni lolo sa pang araw araw.

Ang mga gamit ni lolo ay nilalagay ni lolo sa isang lalagyan na may gulong na parang karosa upang mahila ito ng kanyang mga alagang aso.


Nakakaantig ng puso sapagkat ang mga alagang aso ni lolo ay kaya siyang damayan sa pagta trabaho, at sa kabila ng lahat ay makikita pa ring naaalagaan ni lolo ang kanyang mga aso, sapagkat ang mga  ito ay higit na malusog kesa sa kanya.


Nakakadurog talaga ng puso na makita natin na marami pa rin sa mga matatanda na imbes nagpapahinga na lamang ay kailangan parin kumayod, lalo na sa mga may kapansanan o may sakit.

At ito ay nagpapakita rin na minsan higit nating maaasahan ang ating mga alagang hayop kesa sa mga kaanak.


Mahalin lamang natin sila ay kaya nilang suklian ito ng loyalty at mas higit na pagmamahal, ang ating alagang aso minsan ay higit pang mapagmahal at mapagkakatiwalaan kesa sa kamag anak.
 
Nag iwan ang kwento ni lolo na isang inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag asa ngayong pandemya, sapagkat kung kinaya ni lolo na may edad na at may kapansanan pa, walang dahilan upang tayong mga kumpleto ay susuko sa buhay.

Sana po sa mga makakakita kay lolo ay tulungan natin sya, matuto tayong pahalagahan ang biyaya ng Panginoon sapagkat hindi lahat ay nabibili agad ang pangangailangan, bagaman ay kailangan pa kumayod ng husto para sa pang araw araw na makakain.

***


Source: News Keener

No comments

Seo Services