Nakakabahala ang impormasyong nakuha ng PEP patungkol sa isang lalaking pinayuhan umanong mag-self quarantine ngunit nakitang nakapila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.
Ayon sa article ng PEP, nagkaroon umano ng close contact ang nasabing lalaki sa kanyang kasamahan sa trabaho na nag-positibo sa C0VID-19 at kasalukuyang naka-confine sa ospital.
Nakilala at natukoy ang lalaki sa pamamagitan ng mga larawan at videos na kumalat sa social media mula sa inilunsad na community pantry ni Angel sa Holy Spirit, Quezon City.
Dagdag pa sa article, nag-aalala umano ang mga kakilala ng lalaki dahil pinayuhan pala itong huwag lalabas ng bahay hangga’t hindi napapatunayang negatibo ito sa C0VID-19.
Ayon naman sa Barangay Captain ng Holy Spirit na si Chito Valmonica, malaki raw ang pananagutan ng aktres sa kaguluhang nangyari sa community pantry.
Bukod kasi sa hindi nasunod na mga safety protocols ay hinimatay ang senior citizen na si Rolando dela Cruz, 67 years old, habang nakapila at idineklarang d*ad on arrival nang dalhin sa East Avenue Medical Center.
"Ito sanang trahedyang ito ay hindi na maulit. Sana ito ay una at huli na sapagkat napakalaking pagkakamali ang nakita ko dito sa nangyari,” pahayag ni Chairman Valmocina ayon sa report ng PTV News.
"Dahil ina-announce ni Madam Angel Locsin na yung kanyang birthday ay parang dito niya gagawin. Mga taga-iba’t ibang lugar talaga ang pumasok sa atin kasi nga nabasa nila.”
"Kasi nga kami idol namin, puro supporter at idol si Angel. Gusto nilang bumati, gusto nilang makita at inaasahan nila na may regalo pa si Angel Locsin.”
"E, nag-post siya, nag-imbita siya. Kasi ang nakalagay nga pala anyone is welcome, but please make sure to follow protocols.”
"Isipin niyo para mag-post ka ng ganito? Ano bang ibig sabihin nito na anyone is welcome?" sabi ni Valmocina.
***
Source: PEP
Source: News Keener
No comments