Sobrang nakaka-antig ng damdamin kapag may nababasa o nasasaksihan tayo na may mga anghel sa lupa. Sa kabila ng kahirapan ng sitwasyon sa mundo, hindi pa rin tayo pinababayaan ng Panginoon.
Sa gitna ng pangangailangan may mga hindi man natin kilala o kamag anak ay sila pa ang handang tumulong sa atin. Napakarami pa rin nila at nagiging inspirasyon sa marami ang kanilang kabutihan.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Mandy Viray, ang kanyang personal na karanasan na kung saan nasaksihan niya mismo sa loob ng pharmacy ang isang Good Samaritan.
'YES I SAW GOD TODAY' ayon sa post ni Mandy Viray.
Sa counter ng isang drug store, narinig ng ating netizen ang usapan ng isang matanda at ng pharmacist.
Sinabi ng pharmacist na ang total na babayaran ng matanda ay P1100, ngunit 200 lang ang pera nito.
“Nilabas [niya] ang supot puno ng barya. [Tapos sabi niya] pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? P200 lang pera ko pasensya na,” kwento ni Viray.
May lumapit na lalaki sa counter at nag offer na siya na ang magbabayad ng gamot.
“Biglang nagsalita ‘yung lalaki sa tabi niya. Sabi ni kuya sa pharmacist, ‘Miss, sagot ko na ‘yung kulang, bigay mo ‘yung lahat ng nasa reseta ni Nanay,” dagdag pa ni Viray.
Sobrang tuwa ng matandang babae at talaga namang ipinakita dito na ginagawang instrumento ng panginoon ang mabubuting tao na tutulong sa mga nangangailangan.
“Tuwang-tuwa si Nanay grabe ‘yung pagpapasalamat niya kay kuya,” sabi pa ni Viray
“Nay, di sa’kin galing ‘yan, sa Diyos ‘yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat.” sabi naman ng lalaki.
“At this time of pandemic, we can all be God's instrument in letting other people know that despite the hardships, He provides,” sabi pa ni Viray sa Philippine STAR.
“Hindi kailangan maging mayaman para gumawa ng mabuti — kahit simpleng pagtulong sa kapwa gaya ng pagbibigay ng pagkain sa nagugutom, pagdamay sa mga napipighati, pagtulong sa nangangailangan at iba pa,” Dagdag pa ni Viray.
Nasa paligid lang natin ang mga mabubuting tao, senyales na sa kabila ng kinakaharap natin ngayon ay dipa rin tayo pinababayaan ng Panginoon.
Godbless sa tao na tumulong ke lola, sana mas marami ka pang matulungan. Salamat.
***
Source: Philippine Star | Facebook
Source: News Keener
No comments