Kilalanin: Dating PBB Big Winner, Isa Nang Saleslady Ngayon Sa Japan

Sa pagtama ng pandemyang sa ating mundo, napakarami ang naapektuhan at kabilang na dito ang mga kumpanya, negosyo, transportasyon, pagamutan at iba-iba pa. Kasama na din sa mga pinaka malubhang na apektuhan ay ang maraming manggagawang nawalan ng hanap buhay o trabaho.

Kaya naman marami din ang napilitan na mag change career o umiba ng linya ng trabaho para magkaroon ng mapagkakakitaan. 

Kabilang na dito si Miho Nishida, na dating PBB housemate sa bahay ni kuya na naging Big Winner sa second batch of Pinoy Big Brother, taong 2015.


Si Miho Nishida ay naninirahan ngayon sa Japan at ngayon ay nagtratrabaho na bilang isang Sales lady. Dala na din ng kinakaharap na pagsubok ng buong mundo, kinakailangan talaga na maghanap ng alternatibong paraan ng mapagkakakitaan kung saan ay kinakailangan na maging madiskarte sa buhay.

Dahil na din sa lockdown noong kasagsagan ng pandemya, nahinto ang mga proyekto niya Entertainment Industry at ang tanging endorsement at pag bebenta online ang naging pinagkukunan nito.

Kaya naman kinailangan nitong bumalik sa Japan para maghanap buhay upang may maipang suporta sa pangangailangan ng kanyang ina at ng kanyang anak.

Si Miho Nishida ay half Filipino at half Japanese kaya naman naging malaking advantage ito para makahanap ng trabaho. Dagdag pa dito ay lumaki ito sa Japan.


Sa ngayon ay isa siyang sales lady sa isang cosmetic brand sa Japan. Ang kanyang trabaho ay hindi niya kinakahiya dahil sa trabaho niya na ito nasusuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Tunay nga kahanga-hanga at talaga namang nakakainspired ang landas na tinahak ni Miho Nishida. Na sakabila ng pagiging winner nito sa PBB Housemates noon taong 2015, ay hindi ito naging handalang para umiba ng direksyon sa kanyang career sa panahon ng pandemya.

Ang pangyayaring ito sa buhay ni Miho ay isang patunay na lahat ay gagawin mo para sa kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services