Isang “Homeless Man” sa Thailand, binigyan ng matitirahan at trabaho bilang gantimpala sa pagsasauli ng pitaka na may lamang limpak-limpak na salapi.
“Ang may mabuting kaloban, may gantimpalang nakalaan.”,isa na lamang 'yan sa mga kasabihan na hanggang ngayo'y pinapaniwalaan sapagkat marami na rin ang nakapagpatunay.
Kagaya na lamang ng Homeless Man na kinilala bilang si Woralop na isang 45 anyos na lalaki, walang sariling bahay at wala ring trabaho.
Ayon sa kuwento ni Woralop, isang araw habang siya'y naglalakad, bigla na lamang nalaglagan ng pitaka ang lalaking nasa kaniyang unahan.
Nang pinulot niya ito at tinignan, nagulat daw siya sa laman. Nagkakahalagang 20,000 baht o higit kumulang nasa 30,000 pesos ang nasa pitaka.
Kahit na salat na salat na siya sa buhay, walang sariling tirahan at pinagkakakitaan, hindi pumasok sa kaniyang isipan na kuhanin na lamang ang pera at pakinabangan, bagkus at kaniya pang hinabol ang lalaki, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito naabutan.
Kaya napagdesisyunan niya na lamang na dumiretso sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at ipagbigay alam ang tungkol sa nakaligtaang pitaka. Hindi nagtagal at nakontak na nila ang may-ari at sinabihang pumunta sa naturang istasyon upang kuhanin ang pagmamay-ari na pitaka.
Napag-alaman na isa palang negosyante at may-ari ng kompanya ng bakal sa Thailand ang nawalan na si Nitty Pongkrianyos.
Natuwa ang lalaki sa katapatang ipinamalas ni Woralop. Nang malaman niyang walang hanapbuhay ang huli, agad niyang inalok ng trabaho sa kaniyang kompanya.
Ang paggawa ng kabutiha'y nagbibigay kaluguran, sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo. Isang “inspirasyon” kung matatawag ang mga taong katualad ni Woralop, na nananatiling tapat sa sarili at sa iba. Higit sa lahat, sa Diyos.
Source: The Relatable
No comments