Prangkang Komento Ng Ina Ni Gerald Anderson Kay Julia Barretto At Bea Alonzo, Usap-Usapan Ngayon

Mainit na usap-upan muli sa socmed ang maanghang na komentong ibinahagi ng ina ni Gerlad Anderson para kay Bea Alonzo at Julia Barreto.

Ang komento ni Mrs.Evangeline Opsima ay ibinahagi sa isang interview noon sa isang programa sa ABS-CBN, kung saan dito ay prangkang ibinahagi ng ina ng aktor ang kayang tunay na sa loobin para kay Julia at Bea. 

Kanyang sinabi na kumpiyansa ito na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa dahil sa layo ng kanilang pagitang edad, kung saan ay 32 years-old na si Gerald na kakatapos lamang magbirthday nitong nakaraang March 7 at si Julia naman ay kasalukuyang 24 taong gulang na nagbirthday naman noon nakaraang March 10.

Narito ang ibinahaging kommento ni Mrs. Evangeline:

“Julia, hindi ibig sabihin hindi kita gusto, bata ka sa anak ko, baka lang ilang taon lang, wala na rin. O maybe three months, wala na kayo,

“Hindi ko sinasabing ayaw kita, no, ang akin lang, ang advice ko lang sayo, please, ayoko kasi may edad na rin si Gerald sayo. Hindi rin kayo magtagal kasi alam ko, nasa industriya ka rin. Alam ko yung relasyon laro lang.” dagdag pa nito.


Maging kay Bea Alonzo na dating naging karelasyon ng kanyang anak ay nagbahagi din ito ng kanyang mensahe:

“Bea, siguro alam mo na ako, walang gusto sa’yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako,

“Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” dagdag niya pa.

Matatandaan na ang relasyon nila Bea Alonzo at Gerald Anderson ay natapos din dahil di umano sa love triangle issue. At makalipas ang dalwang taon matapos ang mga usap-usapan ay umamin din ang actor na meron nga itong relasyon kay Julia.

Hindi naman mapigilan mag kommento ng ilang netizen sa ibinahaging pahayag ng ina ni Gerlad Anderson na si Mrs Evangeline Opsima.

Narito ang mga kommento ng mga netizens patungkol sa mga binitawan ng ina ng aktor:

FYI misis tinanong muba cla kung gusto ka din nilang maging biyanan😁😁😁😁anak mo lng gusto nila panget ugali mo malamang walang magkakagustong maging biyanan na”

“Dapat dun iwasan na ng mga babae yung anak mo para maging matandang binata tatanda nlng na wlang asawa.. Mapili ka masyado...

“Ang arte mo inay!! Sino ka ba para husgahan c bea? Eh... kung my patama c bea, ano ngaun kung tinatamaan ung matanda mong anak? Tumatalab rin pala ung mga patama aano? Kama is coming eka nga!”

Narito ang video ng Cinema One sakanilang YouTube Channel patungkol sa nasabing isyu. Kung saan umabot na ito sa mahigit 35,000 na ang nanonood.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services