Mister, May Ibinunyag Na Sikreto Sa Mismong Baby Shower Ng Kanyang Asawa

May mga pagkakataon talaga sa buhay ng mag-asawa kung saan ay sinusubok ng pagkakataon ang kanilang pinag samahan. Yung tipong pagkakataon na magpapatatag sa kanilang samahan o di kaya naman ay sisira sa kanilang matamis na relasyon.

Katulad na lamang ng nangyari sa dalawang magkabiyak ng dibdib na ito, kung saan ay hindi na napigilan ng mister ng babae na ibunyag ang itinatagong lihim ng kanyang asawa.

Maraming netizens ang nag react sa video ng mag asawa na mula sa Bolivia. Sa video ay ibinunyag ni mister sa mismong araw ng baby shower na ang ipinagbubuntis ng kanyang asawa ay hindi niya anak at ito ay sa kaniyang kaibigan.


Sa araw ng baby shower ay kasama ng mister ang kanyang abogado at dito niya mismo pinakita ang mga dokumento at patunay na mayroon ngang lihim na ugnayan at relasyon ang kanyang kaibigan at kanyang misis.

Sa video ay makikita na nakatapis ang kanyang asawa at ang kayang kaibigan. Bukod pa dito ay may dala dala rin itong pregnancy test kung saan ito daw ay nagpapatunay na ang kanyang asawa ay buntis na ng anim na buwan at hindi apat na buwan.

Matapos ang kagulat gulat na rebelasyon at pagbunyag ng mister sa kanyang asawa ay umalis na din ito at iniwanan na ang kanyang asawang nagmamakaawa sa kaniya. Marahil ay hindi na napigilan nito ang sobrang sakit na naramdaman sa ginawa ng kanyang misis kaya mas minarapat na nitong umalis.

Samantala ang kaibigan naman na lalaki ng mister ay nabigyan ng sipa at suntok dahil sa kawalanghiyaan na ginawa nito sa pamiya ng kanyang kaibigan.



Maraming netizens ang nagsasabi na kulang pa ito at kahit anong hingi ng pasensya ay hindi na maibabalik ang kanilang nasirang pinagsamahan.

Tunay ngang hindi na mababago ang katotohanan sa nangyari sakanyang asawa at sa kaibigan. Kaya sana ang istorya na ito ay maging aral sa mga magkarelasyon na kapag dumating ang pagsubok ay wag magpatalo sa tukso at piliin ang inyong pamilya.

Kung kayo ang tatanungin at kung nasa katayuan kayo ng mister, ano ang gagawin niyo? Ipaglalaban at tatanggapin mo ba ang nangyari o mas pipiliin mo na lamang na lumayo? Maaari mong ibahagi ang inyong kommento.

Panoorin ang video:


Source: The Relatable

No comments

Seo Services