Lalaki pinasok ang tatlong trabaho para lamang mabilhan ng laptop ang asawang hirap sa pagtuturo

Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay ginawa munang online ang klase ng mga mag-aaral. Dahil dito ay maraming mga estudyante ang nahihirapan sa ipinatupad na sistema.
Photo credit: Shahrul Amri Ibrahim

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring eksaktong petsa kung kailan babalik sa normal ang face-to-face na pag-aaral ng mga estudyante.

Hindi lamang mga estudyante ang nahihirapan sa bagong sistema ng klase ngayon, maging ang mga guro ay nahihirapan din dahil hindi naman lahat ay may kakayahang makabili ng gamit pang online class.

Katulad na lamang ng isang guro mula sa bansang Malaysia na walang sariling laptop na magamit para sa kanyang pagtuturo.

Sa article na ‘Filipino guide’, ibinahagi nito ang Tiktok video ng lalaking si Shahrul Amri Ibrahim na pinasok ang tatlong klase ng trabaho para lamang mabilhan ng laptop ang kanyang asawa na isang teacher.
Photo credit: Shahrul Amri Ibrahim

Si Nurul Abd Rashid, 25-taong gulang ay nagtuturo bilang isang kindergarten teacher ngunit wala itong sariling laptop upang magamit sa pag-gawa ng kanyang mga itururo sa kanyang mga estudyante.

Sa viral video ni Ibrahim, ibinahagi nito ang video kung saan sinupresa niya ang kanyang asawa.

Si Ibrahim ay isang biomedical technician. Ngunit dahil mababa ang kanyang kinikita ay pinasok rin niya ang pagiging isang Grab rider at pagbebenta sa online ng kung ano-ano para lamang kumita ng extra.

Ayon kay Ibrahim, naaawa raw siya sa kanyang asawa dahil nanghihiram lamang ito ng laptop sa kanyang mga co-teachers o kaya ay sa paaralan para makagawa ng kanyang mga lessons.

Madalas pa raw ay kailangan nitong hintayin ang iba na matapos ang kanilang ginagawa bago nito mahiram ang kanilang laptop.

Even though she never complained or begged, I felt bad having to watch her go through the inconvenience of borrowing laptops from the school to finish her work,” saad ni Ibrahim.

Hindi matiis ni Ibrahim na nakikitang nahihirapan ang kanyang asawa kaya kahit secondhand na laptop ay pinaghirapan niyang mabili.

After being satisfied with the appropriate specifications for my wife’s job, I finally agreed to buy a used laptop,” sabi ni Ibrahim.
Photo credit: Shahrul Amri Ibrahim

Sa video ay makikita ang asawa ni Ibrahim na naiyak nang makita ang supresa ng kanyang asawa.


When I got home, I told her that there was a special surprise in the room before she found the laptop bag under the pillow and cried when she saw what was in the bag,” kwento ni Ibrahim.

Marami ang humanga at na-touch sa video ni Ibrahim. 

Panoorin ang maikling video sa ibaba:


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services