Sa panahon ngayon, sa learning module na umaasa ang mga estudyante upang maipagpatuloy ang pag aaral sa kabila ng krisis na hinaharap natin sa kasalukuyan.
Isa na dito ang grade 5 student na si Miguel Lapid, taga Polomok South Cotabato, na hindi nag atubiling gumawa ng liham para sa Department of Education ukol sa nakita nyang umano'y "gender bias" sa kanilang learning modules.
Ipinost ito ng kanyang tatay na si Michael Jess Lapid na kung saan sa aktibidad ay makikita ang pagma match sa katangian ng babae at lalake.
Base sa answer key sa learning module, ang lalaki ay astig, malakas at matapang, samantalang isinalarawan ang mga babae bilang iyakin, mahinhin at kung anu anu pa na syang di sinang ayunan ni Miguel, "bias at stereotyping" umano ang ito at maaring makapanakit ng iba.
Ayon naman sa kanyang ama na si Michael na syang nag post ng liham "alam na ng bata ang mga isyu hinggil sa kasarian dahil turo ito ng mga magulang pati ng guro."
“Nakita ko na stuck siya sa part na ‘yon ng module. Nalilito siya kung paano niya sasagutan kasi sabi niya may mali sa module, pointing out na may gender bias daw,” ani Michael.
Pinayuhan niya ang kanyang anak na si Miguel na gumawa ng note para sa teacher.
“Iniwan namin siya to work on his module and later on, pinakita niya na ‘yong letter niya,” ani Michael.
Ayon sa guro, hindi raw umano eto ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pagkakamali sa mga learning modules, at ito ay hindi umano maiiwasan, ito ay pina unawa nila kay Miguel.
Nauna nang sinabi ng DepEd na mayroon itong mga pormal na channel kung saan maaaring iulat ng publiko ang mga pagkakamaling makikita sa self-learning modules.
***
Source: ABS-CBN News
Source: News Keener
No comments