Tila walang pinipiling panahon ang mga taong ito, bagamat matagal ng nabisto ang m0dus ng mga mapanglamang na mga ito ay hindi pa rin tumtigil at muling nanunumbalik ang masamang gawain ng mga kawatan na ito.
Ibinahagi ng netizen na si Kha Abarquez sa kanyang Facebook post ang kanyang naging karanasan sa isang pampublikong bus na byaheng Antipolo.
Ayon sa post ni binibining Abarquez, bandang mga 4:30 - 5:00 ng hapon ng siya ay sumakay ng bus sa may Robinsons Metro East pauwi sa kanilang tahanan.
Ang hinihinalang dalawang lalaki sa bus na may masamang balak sa kanya ay naka pwesto sa harap at likuran ng kanyang kinauupuan.
Hindi na lingid sa kaalaman ng marami sa atin lalo na sa mga araw-araw na bumabyahe ang ganitong istilo ng pananamantala, maging kay Kha Abarquez. Kaya naman naging alisto siya sa mga sumunod na eksena.
Nagulat na lamang siya ng may tumalsik na laway na inakala pa niyang galing sa isang sanggol. Ngunit dahil sa mulat na siya sa ganitong istilo ay hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin at minabuting hindi na lumingon upang makaiwas sa mga mapagsamantala.
Imahe mula Kha Abarquez | Facebook
Imahe mula Kha Abarquez | Facebook
Dahil sa hindi nito pagpansin sa laway ng idinura sa kanyang balikat, may isang lalaking kumalabit sa kanya at sinabihan siyang "ate may dura ka sa balikat mo" dito na nakompirma ni Kha na siya na nga ang nakursunadahang b!kitm@hin ng mga kawatan.
Pansamantalang ikinubli ang nararamdaman kaba, sinagot ni Kha ang lalaki at sinabing "hayaan mo na kuya baba naman na ko" sabay ngiti.
Balot ng takot habang siya ay pilit na siniksiksik sa kanyang kinauupuan, piniling magsawalang kibo ni Kha at kalaunan ay bumaba na ang dalawang lalaki sa isang lugar na tinukoy ng binibini na Lacolina.
Sa Facebook post ni Kha Abarquez ay ibinahagi niya ang litrato ng kanyang damit na may dura at ang isa pang post na nagpapa-alala na magingat sa mga ganitong klaseng m0dus.
Basahin sa ibaba ang kanyang buong FB post:
Imahe mula Kha Abarquez | Facebook
Narito naman ang mga komento ng ilang netizens na nakaranas din ng kagaya ng kay Kha Abarquez:
Source: Kha Abarquez | Facebook
Source: News Keener
No comments