Pumalag si Col. Bonifacio Bosita sa pahayag at pagbabanta na sasampahan siya ng reklamo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Col. Edison Bong Nebrija.
Ito ay matapos pagsabihan at pagbayarin ni Bosita ang isang enforcer na humili sa isang backrider na naka-tsinelas.
Ani Bosita, mali raw ang ginawang paghuli ng enforcer sa backrider dahil wala raw ganoong batas.
Dahil sa ginawa ng enforcer ay hindi na nakapasok sa trabaho ang backrider kaya naman pinagbayad ni Bosita ang enforcer sa perwisyong idinulot nito sa backrider.
Mabilis na nag-viral ang video sa social media na agad nakarating kay Nebrija. Dito na niya binanatan si Bosita at hinamon na maglabas ng batas na nagsasabing tama ang ginawa niyang pagbayarin ang enforcer.
Panoorin ang video sa ibaba:
“Ilabas mo ang batas na nagtatalaga sayo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila,” sabi ni Nebrija.
Ayon pa kay Nebrija, wala raw karapatan si Bosita na pakialaman ang mga enforcer dahil wala ito sa serbisyo at matagal ng retired.
Dagdag pa niya, ginagamit lamang daw ni Bosita ang riding community dahil may balak itong tumakbo sa darating na eleksyon.
“Huwag mong gamitin ang mga pobreng enforcer namin sa pamumulitika mo. Ginagamit mo lang ang riding community para sa political advancement mo, pwede ba?”
Binantaan rin ni Nebrija si Bosita na sasampahan niya ito ng kaso sa susunod na makikialam pa ito sa trabaho ng mga enforcers.
“Gamitin mo galing mo huwag ibang tao. Minsan mo pang ulitin yan sa MMDA enforcer namin kahit hindi sa Edsa maghanda ka na ng abugado mo.”
Matapos ang ilang araw ay sumagot si Bosita sa mga sinabi ni Nebrija.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Bosita ang post ng isang netizen kung saan makikita ang paghihirap ng ordinaryong Pilipino na sinubukang i-contest ang maling panghuhuli sa kanya ng enforcer.
“Makikita ninyo sa ibaba ang TUNAY NA DETALYE at dahilan kung bakit hindi ako sangayon sa sinasabi ni COLONEL NEBRIJA na due process,” sabi ni Bosita.
“Alam yan ng marami pero hindi yan alam ng mga hindi suma-sangayon sa IPINAYO KO sa Enforcer na bayaran na lamang ang danyos sa kapatid natin.”
“Sa umiiral na sistema na nais niyang mangyari (due process) ay laging talo at kaawa-awa ang mga kapatid nating motorista kahit na walang paglabag, hindi naman pinapanagot ang Pulis o ang Enforcer na nagkasala sa panghuhuli,” dagdag nito.
Samantala, sa isang interview kay Bosita ng ‘CIS Media Philippines’, ipinaliwanag ni Bosita ang buong pangyayayari patungkol sa viral video ng paninita niya sa isang MMDA enforcer.
Narito ang video sa interview kay Bosita:
***
Source: News Keener
No comments