Ayon sa batas, bawal ang mag iwan ng bata sa loob ng sasakyan, sapagkat maari itong mag dulot ng aksidente na maaring ikamatay ng biktima.
Ang lumabag sa batas na ito ay pagmumultahin, lalo pa at magdudulot eto ng kapahamakan, sa kabilang banda marami pa rin ang nananatiling walang alam ukol sa batas naturang batas.
Para sa kaalaman ng lahat, ang pag iwan sa sasakyan ng isang tao bata man o matanda ay maaring magdulot ng suffocation lalo na at nasa ilalim ng init naka park ang sasakyan.
kamakailan lang ay nag trending ang dalawang bata na iniwan ng mga magulang sa lood ng sasakyan na naka lock, iniwang naka park sa gitna ng daan.
Gumawa ng paraan ang mga tao na nakakita sa mga bata sa loob ng sasakyan, halos basagin na nila ang salamin ng SUV at sinisilip ang mga bata sa loob upang matiyak na ligtas pa ang mga eto, ngunit wala pa rin ang guardian o magulang na nag park sa sasakyan.
Sa kabutihang palad ay nailabas ang mga bata, nasa edad 3-4 at ang kapatid nitong wala pang 2 taon na naka pwesto pa sa car seat.
Maraming netizen ang nagalit sa sitwasyon ng mga bata na iniwan ng mga magulang sa loob ng SUV.
Eto ang komento ng mga Netizen.
“Salute sa rescuers. Godbless you mga sirs!
“Buti na lng napansin ng mga tao..kawawa bata if masufocate”
“Dapat makulong ang mga magulang nyan. Walang kaisipisip para iwan ang bata.”
Nawa ay magsilbing aral eto sa mga magulang na mahilig mang iwan ng kanilang mga anak sa loob ng sasakyan.
***
Source: Facebook
Source: News Keener
No comments