Sa hirap ng buhay ay kailangan nating kumayod upang may maipangtustos tayo sa mga pangangailangan ng ating pamilya. Kahit na anomang klase ng trabaho basta marangal ay ating papasukin.
Ngunit ano ang ating gagawin kung may mga taong mapagsamantala at manloloko sa kapwa?
Ito ang nangyari sa isang PWD na tindero ng mga prutas matapos siyang bayaran ng pekeng P1,000.
Labis na nanlumo ang tindero ng prutas mula sa San Jose, Batangas matapos malamang pekeng P1,000 ang ibinayad ng bumili sa kanya ng saging na nagkakahalaga lamang ng P80.
Ipinost sa Facebook ng pamangkin ng PWD ang nangyari sa kanyang tiyo sa pagbabakasakaling maibalik ang pera.
Sa Facebook post ni Kristien Javina, bandang 11 ng umaga noong Febrero 7 nangyari ang ginawang panloloko sa kanyang tiyo.
Labis na nanlumo ang PWD sa nangyari dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon ay ginagawa niya pa rin ang paglalako dahil may mga anak siyang binubuhay.
Bukod sa pagiging PWD ay isa na rin senior citizen ang tiyo ni Kristien. Kaya naman napaka delikado na nagtitinda pa rin ito ngayong may banta ng kalusugan sa buong mundo.
Samantala, sa dami ng nakakita sa post ni Kristien, marami rin ang nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.
Ani Kristien, “Naiiyak po ako sa tuwa.. Di ko po inaasahan na may tutulong sa aking tiyo. Ipaabot ko po ang cash na pinadala nyo sa kanya paguwe ko ng bayan. Maraming salamat po sa mabuting puso nyo, Ibabalik po sa inyo yan ng Lord ng rumaragasang pagpapala.!”
Sa isa pa niyang post, personal na binisita ni Kristien ang kanyang tiyo upang iabot ang tulong na nalikom mula sa mga netizens na may mabubuting puso.
Ipinakita rin ni Kristien ang kalagayan ng kanyang tiyo pati na rin ang pamilya nito para malaman ng netizens ang hirap ng sitwasyon ng pamilya nila.
Narito ang mga videong ibinahagi ni Kristien:
Makikita sa video ang malubhang sakit sa paa ni tatay. Halos mangiyak-ngiyak si Kristien nang makita niya ito.
***
Source: Kristien Javina | Facebook
Source: News Keener
No comments