Dahil hightech na ang mga gadgets ngayon sa ating panahon ay madali na lamang ang magshopping at umorder ng pagkain kahit nasa bahay ka lang.
Gamit ang ating mga computers at cellphones ay hindi na natin kailangan pa ang umalis kung mayroon tayong gustong bilhin.
Isa sa pinakasikat na food delivery platform ngayon ay ang Foodpanda, kung saan maaari kang umorder ng mga pagkain na iyong magustuhan.
Marami rin sa ating mga kababayan ang naging food delivery riders dahil patok na patok ito ngayong panahon ng pandémya kung saan mas gusto ng mga tao ang umorder na lamang online kesa kumain sa labas.
Hindi madali ang pagiging delivery rider dahil minsan ay nabibiktima sila ng fake booking o prank. Kaya naman maraming mga netizens ang naaawa sa mga katulad nila.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang sitwasyon, minsan ay mismong mga riders ang gumagawa ng kalokohan na pwedeng ikapahamak ng mga customers.
Sa Facebook post ng netizen na si Ely Mae Oribiana Eustaquio, ibinahagi nito ang modus na ginagawa ng ilang Foodpanda riders.
Kwento ni Ely, nagloloko raw ang application na gamit ng rider kaya hindi nito ma-idrop ang kanyang order.
Dito na nakiusap ang rider kay Ely na kung pwede raw ay i-airplane mode nito ang kanyang cellphone. Dahil gusto lamang matulungan ni Ely ang rider ay pumayag naman ito.
Natanggap naman ni Ely ang mga pagkain ngunit pagtingin niya sa kanyang Foodpanda account ay 'cancelled' raw ang kanyang mga inorder.
Dito na naunawaan ni Ely na modus ang ginawa ng rider. Dahil sa nangyari ay maaaring mablock o maban ang kanyang account.
Ayon sa aming pananaliksik, kaya pina-airplane mode ng rider kay Ely ang kanyang cellphone ay upang hindi ito macontact ng Foodpanda dispatcher.
Kapag hindi nacontact ang customer ay mismong ang dispatcher ang magcacancel ng order. Dito na idedeliver ng rider ang order at sa kanya na mapupunta ang pera.
Basahin ang buong post ni Ely sa ibaba:
"This is the first time na nangyari samin ‘to. Naniwala ako dahil naawa ako and it turns-out na galawan pala yung nangyari. As you can see, all I wanted is to help him kahit sa maliit na paraan kaya naniwala at sumunod ako sa sinabi niya. Then after chineck ko ulit sa foodpanda cancelled yung order ko which is impossible dahil nakuha namin yung order and possible naman na maban yung account ko. Lahat tayo nag struggle sa buhay natin ngayon pero sana naman let’s do good no matter what happens!!!"
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Ayon sa mga netizens, matagal na raw ang ganitong modus ng ilang riders. Narito ang kanilang mga komento.
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
Photo credit: Ely Mae Oribiana Eustaquio
***
Source: News Keener
No comments