Netizen dismayado sa bangko matapos maubos ang perang hindi naman ginalaw ng tatlong taon

Hindi napigilan ng isang netizen ang maglabas ng sama ng loob at madismaya matapos maubos ang kanyang pera sa bangko kahit na hindi naman niya ito ginagalaw.
Photo credit: PVT-Pilipinas Viral Trending and ABS-CBN

Sa Facebook Page na ‘PVT-Pilipinas Viral Trending’, ibinahagi nito ang post ni Annabelle Akaogi, ang netizen na nawalan ng P5,603.

Ayon sa post, ang halagang P5,603 ay nasa BDO account ni Annabelle at hindi niya ito ginagalaw sa loob ng tatlong taon.

Laking gulat na lamang niya ng ipa-update ito dahil close na daw ito. Aniya, binabawasan raw pala ng bangko ng P300 monthly ang kanyang account para sa service charge kaya naubos ang kanyang pera.
Photo credit: PVT-Pilipinas Viral Trending

Narito ang kanyang buong post:

“eto na yong bank book ko sa BDO may laman syang 5,603 d ko sya nagalaw ng 3yrs pina up date ko ang sabi sa akin wala nang laman close account na daw yong pala cla pala ang nagbabawas ng 300 per month service charge daw anong klaseng banko ito imbes makapag ipon ka ng konte konte binabawasan pa nila ito kaya buti na lng yan lng ang laman ng account ko tama nga ang balibalita tungkol sa BDO bank kaya kung ako sa inyo lahat ng may balak mag saving account sa BDO hwag nyo nang ituloy imbes na savings ang mangyari unsavings ang nangyayari.”


Samantala, ang hindi alam ng ilan sa atin ay mayroong maintaining balance ang ilang bank accounts. Kung mas maliit ang pera sa iyong account kesa sa maintaining balance ay makakaltasan ito dahil sa service charge.

Nasa P3,000, P6,000 o P10,000 ang pinakamaliit na maintaining balance ng mga bangko.

Ayon sa mga netizens, siguro ay nasa P10,000 ang maintaining balance sa account ni Annabelle kaya mayroon itong service charge buwan buwan.

Noong 2017 pa nag-viral ang post na ito ngunit ngayon ay patuloy pa rin ang pag comment at share ng mga netizens.

Sa ngayon ay umabot na sa 40k reactions, 58k comments at 94k shares ang nasabing post.

Basahin ang ilang komento sa ibaba:







***

Source: News Keener

No comments

Seo Services