Luto ng ina 5 taon mula noong siya'y pumanaw, natikman ng kanyang asawa't anak.

Isa sa pinakasamasakit na kaganapan sa ating buhay ay ang mawalan ng kapamilya. Marahil ito'y isang tiyak na kahahantungan ng lahat ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay madali itong tanggapin.

Ganito na lang ang naramdaman ng pamilyang ito sa Japan, matapos silang iwanan ng kanilang ina. Bago maganap ang pangyayaring hindi inaasahan sa kanilang nanay ay nakapagluto pa ito ng masarap na ulam para sa kaniyang pamilya.

Imahe : Knight Scoop


Hindi malilimutan ni Mizuki ang paguusap nila ng kanyang ina bago ito pumanaw. Aniya, tinanong pa siya nito kung ano ang kanilang gustong kainin at lulutuin niya para sa hapunan.

Kalaunan ay napagdesisyunan ng ina, na magluto ng nilagang baboy para ihanda sa kanyang asawa't anak.

Paguwi ng bahay mula eskwelahan, laking gulat na lang ni Mizuki ng matagpuan ang kanyang ina na nakahandusay sa sahig.

Agad nila itong dinala sa ospital para malapatan ng emergency treatment ngunit huli na ang lahat.

Pumanaw ang ina ng gabing iyon dahil di umano sa malubhang karamdanang kung tawagin ay SAH o Subarachnoid hemorrhage.

Nang makauwi na sila Mizuki mula sa ospital ay nakita nito ang inihandang hapunan ng kanilang ina para sa buong pamilya kaya't bumuhos na lang ang luha niya pagkakita nito.

Imahe : Knight Scoop


Dahil sa pagdadalamhati, minabuti na lang ng pamilya na panatilihin at ipreserba ang nasabing nilutong pagkain ng ina upang magsilbing alala niya.

Imahe : Knight Scoop


Mula noon ay iniwasan na ni Mizuki ang kumain ng ulam na ito sa takot na maalala niya ang gabing namayapa ang kaniyang ina.

Ngunit matapos ang 5 taon, si Mizuki at ang kanyang ama ay na-feature sa isang Japanese Variety show upang gunitain ang pag panaw ng kanyang ina sa pamamagitan ng muling pagluto at pagtikim ng huling ihinain ng ina para sa kanila.

Imahe : Knight Scoop


Dahil sa posibilidad na ang pagkain ay maaaring makasama na sa kanilang kalusugan ay sinuri muna ito sa isang laboratoryo at tiniyak ng isang chef na lutuin ang pagkain sa init na higit sa 100 degree celsius.

Siniguro din naman ng mga ito na presentable at ligtas pa rin kainin ang nilagang baboy bastat malilit na sukat lamang ang ikokonsumo nila dito.

Imahe : Knight Scoop

Imahe : Knight Scoop


Kitang kita sa mukha ng mag ama ang tuwa at pagkasabik ng muling inihain sa kanila at matikman ang pagkaing huling niluto para sa kanila ng namayapang ilaw ng tahanan.

Sa pagkakataong ito, dahan dahang tumulo ang luha ni Mizuki ng muling makain ang masarap na luto ng ina. Kaya't ganun na lang ang pasasalamat ng mag ama sa chef dahil sa ginawang ito.

Imahe : Knight Scoop

Maituturing na isang blessing o biyaya ang umuwi ng tahanan lalo na't may inihandang masarap na ulam si nanay sa ating hapagkainan.

Imahe : Knight Scoop


Ang kwentong ito ay nagsisilbing paalala na lagi nating pahalagahan ang ating mga magulang habang sila'y nabubuhay pa.

Source: theasianparent.com

Source: News Keener

No comments

Seo Services