Nakapagpatayo Ng Magandang Bahay Ang Mag-Asawang Ito Sa Halagang Php 150,000 Lamang

Bahay ang siyang unang pinag paplanohan kung tayo ay magkakaroon na ng asawa sa hinaharap. Kaya naman, karamihan sa atin ay ito ang unang pinag iiponan. Ngunit sa ilang kadahilanan, ang ilan ay nagkakaproblema pag dating sa pinansyal na gawain lalo na't pagpapatayo ng bahay ang siyang pinag uusapan.

Pag uupa naman ng apartment ang desisyon ng ilan kapag  kapos pa talaga sa budget nila ang pagpapatayo ng bahay. Ngunit, sa kagustuhan ng ilang magkasintahan hindi hadlang ang ano man rason upang makamit ang minimithing munting tahanan.

Kumakailan sa isang socmed page na 'Lovely House Design' isang mag asawa ang nag bahagi ng kanilang sariling tahanan kung saan sila ay nagsimula sa maliit din lamang.


Isang inspirasyon sa lahat ang post ni Chang Agbon Villacuer Alipio ang mga litrato ng kanilang bahay ng kanyang asawa.

Ayun sa pagbabahagi ni Chang, hindi hadlang ang pinansyal sa kanilang pag papagawa ng bahay lalo pa't ito ang kanilang pangarap ng kanyang asawa.


Dahil sa pag pupursige ni Chang at ng kanyang asawa nag  tratrabaho sa isang gasoline station, hindi ito naging rason para hindi nila kayang ipatayo ang kanilang pangarap na bahay.

Ayun pa sa post ni Chang, hinikayat niya ang ilang tao na wag sumuko sa mga pangarap sa buhay. Ano man ang hirap na haharapin patuloy lang bumangon at lumaban ulit.

"Pa post po dito share ko lang bahay namin, kahit hindi pa tapos sariling sikap ng asawa ko kahit sa gas station lang nag tatrabaho.. para maka bukod lang kmi at may sariling bahay kahit simple lang..."


"Sa mga nagtatanong kung magkano na po yung nagastos namin ito ang mga 150 thousand pesos mahigit kasi yung mga kahoy na gamit dito samin, may bukid kami may mga tanim na kahoy"

Ito naman ang naging paalala ni Chang sa mga gusto rin magkaroon na bahay sa future. 

"Kaya sa may balak na magkabahay, walang impossible kung gugustuhin. Kami nga simple lang buhay namin dito nakaya namin. Sana diyan sa post naming bahay may nakuha kayong mga ideas".


Source: The Relatable

No comments

Seo Services