Matandang Naglalako, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Pumayag ang isang matandang lalaki, na nag-aalok ng mga gulay sa kalye, halikan ang paa ng isang vlogger na nagngangalang Jose Hallorina, kapalit ng perang inaalok ng huli.

Pinag-uusapan ngayon ang isang video na in-upload ni Hallorina sa YouTube channel nito kung saan makikitang bibigyan nito ng pera ang mga sasang-ayon na halikan ang paa nito.

Sa gilid ng kalye, makikitang tila bigong matandang lalaking nag-aalok ng mga gulay na kinilalang si tatay Danilo. Nakaupo lamang ito sa tabi ng kariton nito ng mga paninda, naghihintay ng mga taong bibili.

Nilapitan ito nang naturang vlogger at kinausap. Napag-alaman niya na inaantok na ang matanda dahil mula alas-kwatro pa raw itong gising upang mamili ng iba’t-ibang uri ng gulay, tulad na lamang ng saging, patatas, talong at iba pa.

Mayroong tatlong anak si tatay Danilo, na naiwan umano sa probinsya. Humigit-kumulang tatlong libong piso lamang daw ang mayroon ito para sa puhunan. Sa isang araw nama’y, 16 oras itong nagtitinda.

“Magbibigay ako ng tatlong libo pero sa isang kondisyon,” Tukoy ni Hallorina sa pagpapahalik sa paa.

“Bakit ako magpapahalik? Kasi gusto kong maramdaman ano yung pakiramdam na may pera, may kapangyarihan, yung nasa taas ka. Ano kakasa ka ba? Papayag ka ba o hindi?”paliwanag nito.

Hinubad na nang vlogger ang sapatos nito at iminuwestrang papahalikan na ito kay tatay Danilo. Nagulat ang vlogger dahil nakitang pumayag talaga ang matanda sa kaniyang pianapagawa, katumbas ang pera.


“Tay Danilo, naiyak ako, bakit ka pumayag,”tanong nito sa matandang lalaki. 

Tugon naman ng huli, puhunan din daw niya ang perang matatanggap mula  rito. 

Labis umanong nalungkot ang vlogger dahil sa isang reyalidad na nangyayari ngayon sa bansa. Dahil sa matinding hirap na dinaranas ng ilan ngayon sa atin ay kaya nang ipagpalit ang dignidad sa pera. 

Sa huli, binigyan na lamang ni Hallorina ng anim nalibongpiso si tay Danilo, kasama na rin ang bigas, at iba pang pangangailanagan,galing sa UniCare.


Nagpahatid din ng mensahe ang vlogger sa vlog nito, “Mamuhay po tayo na may dignidad at pagmamahal sa kapwa.”


Source: The Relatable

No comments

Seo Services