Lalaking Namalimos Ng 10 Piso Pandagdag Sa Mambili Ng Gatas Ng Anak, Nakatagpo Ng Good Samaritan

Isang nakakaantig ng puso ang mga kwento ng ilang tao na nagpapatunay na ang Diyos ay parating gumagabay sa pang araw araw na gawain.

Ang pagdarasal ay siyang matibay na pundasyon sa mga tao na nais humingi ng tulong galing sa Diyos. Ang pagdarasal ay hindi lamang humihingi kundi pati na rin ang pagpapasalamat sa mga mumunting biyaya na ating natatanggap. 

Sa aspekto ng buhay ng isang tao mayroong nasa itaas, gitna at nasa ibaba. Kaya naman, ang ilang nasa ibaba ay walang magawa kundi ang mang limos sa lansangan ng sa gayon mayroong may makain at may ipapakain sa kanilang pamilya.

Isang kwento ang ibinahagi ng isang netizen, kubg saan marami ang naantig ang puso matapos mabasa ang kanyang karanasan.

Ibinahagi ni Jaivie Joseph Roble ang kanyang kwento ng pagtagpuin ng Diyos ang kanilang landas ng kanyang kapatid sa maikling oras.

"Naglalakad ako pauwi, nakaheadphone, pagkatawid ko sa isang intersection may kumalabit sakin, sabi, "Kuya baka may Php10 ka dagdag lang sana para pambili ng gatas ng anak ko! Pinipigilan ko luha ko while looking at him and listened more. "Hindi po ako masamang tao, Sir! Di ko po kayang gumawa ng masama lalong ayaw kong makulong kawawa pamilya ko." Halatang kinakabahan.


"Kanina pa po ako paikot-ikot sa construction sites para makapasok kaso wala pa hong swerte, magiging totoo nalang po ako sa inyo Sir, di alam ng asawa ko ngayong araw namamalimos lang ako ngayon makapagdala lang gatas at pagkain ng baby namin, kaya lang naman naming magtiis dalawa sa asin at suka. Kawawa lang talaga mga bata."

"Tinanong ko sya anong gatas ng baby nya sabi, "Yung baby Sir, Nestogen, yung 160.00 lang po pwede ng pang dalawang araw. Yung 3 yrs old ko naman po Bear Brand nakabili napo ko ng diapers sir heto kinapos lang po talaga." Sabay pakita ng 150.00 sa kamay.


Hindi ako sure at that point kung bigyan ko lang ba sya ng pera at umalis na, o ako na mismo bumili ng gatas, since malapit na kami sa may Market Market so I told him, "Tara Kuya pasok tayong Market."

"Nako Sir, baka di hu ako papasukin. " Sabi ko, "Wag ka magalala pinagtagpo tayo ng Dios ngayong araw, magkapatid tayo, ako bahala sayo! Di gaanong marami pera ko pero lika."

Sa grocery hinanap namin yung kadalasan binibili nya, nagdesisyon akong kunin ang malaking pakete para allowance nya makadiskarte pa ng matagal-tagal at sinamahan ko na din ng manok, atay at giniling.

Walang tigil pasasalamat nya sakin. "Darating din ang panahon Sir, magkikita tayo ulit, ako naman manglilibre sa inyo!"

Hanggang sa dulo, sinabihan ko sya, "Patas lang tayo sa buhay Kuya kami man sa estadong to, marami ding mga utang na hinaharap. "Mabait talaga ang Dios Sir, pinakilala po kayo sakin, anghel ko po kayo ngayon."

Salamat sa inspirasyon ngayong araw. Swerte pamilya mo sayo. Hanap ka agad trabaho at wag na wag panghinaan ng loob. Until we meet again Jerick Reyes!


Source: The Relatable

No comments

Seo Services