Lalake na kahalikan ni Christine Dacera sa CCTV, itinanggi ang mga paratang sa kanya

Itinanggi ng isa sa mga suspék sa kaso ng flight attendant na si Christine Dacera at binatikos ang ginawa ng media na pag-edit umano sa CCTV footage.


Matatandaan na inilabas ng 24 Oras sa GMA ang CCTV footage kung saan makikita si Dacera habang “kahalikan” ang isa sa kanyang mga kaibigan.

Sa Facebook post ni Valentine Rosales, inamin niyang siya ang lalaking nasa video ngunit sinabi niyang edited na ang ipinakita ng media sa publiko.


Ayon kay Rosales, pinutol ng nasabing programa ang buong CCTV footage at hindi ipinakita kung papaano niya pinigilan at iniwasan si Dacera sa paghalik sa kanya.

“Siya yung sumungab sakin if you look closely, hindi buo yung video tinulak ko siya after niyan and maaga pa yan,” ani Rosales.

Dagdag pa ni Rosales, nasa katinuan pa raw si Dacera ng mga panahon na ‘yun.

Ibinahagi rin ni Rosales sa kanyang Facebook post ang buong kuha ng CCTV footage upang ipakita sa publiko ang pagpigil niya kay Dacera.

Aniya, sinubukan rin niyang tawagin ang atensyon ng kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot sa door bell para mapigilan si Dacera sa kanyang ginagawa.

“The truth will prevail, social media fabricates the story too much I wish you were here tin! Sama sama padin tayo. Alam mo ikaw ang tranny ng barkada let’s prove to them what really happened,” ani Rosales.

Narito ang videong ibinahagi ni Rosales:


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services