Napaka-swerte ng mga taong may totoong kaibigan. Yung tipong magkasundo kayo sa lahat ng bagay. Kaibigang matatakbuhan mo tuwing mayroon kang problema at mapagkakatiwalaan lalong lalo na pagdating sa pera.
Ngunit napakahirap makahanap o magkaroon ng kaibigang tunay na mapagkakatiwalaan dahil minsan, kahit na gaano man kalaki o katagal ang inyong pinagsamahan, lalabas at lalabas pa rin tunay nilang ugali.
Sa Facebook post ng netizen na si Leah Pascual, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang dating kaibigan na tumangay sa mahigit kalahating milyong renta sa kanilang apartment.
Ayon kay Leah, inalok niya noon (2018) ang kaibigang si Julie Etolle ng libreng renta sa kanilang apartment kapalit ng trabahong siya na rin ang maniningil ng bayad sa upa ng kanilang mga tenants.
Julie Etolle and Rolland Etolle / Photo credit: Leah Pascual
Julie Etolle and Rolland Etolle / Photo credit: Leah Pascual
Makalipas ang ilang taon ay hindi akalain ni Leah na lolokohin siya ng pinagkatiwalaan kaibigan.
Itinangay na umano ni Julie at ng kanyang asawang si Rolland ang perang ibinayad ng mga tenants sa loob ng isang taon. Aniya, ang perang iyon ay gagamitin para sa “buwanang gastos sa bahay, monthly check-up at pambili ng gamot.”
Nananawagan si Leah na ipagbigay alam sa kanila ang anomang impormasyon patungkol sa mag-asawa.
Narito ang buong post ni Leah:
“Kung sino man po ang nakakita sa mag asawang ito JULIE ETOLLE at ROLLAND JED ETOLLE, maaari lamang po na ipagbigay alam nyo agad sa amin. Sa lahat ng nakakakilala sa amin sa lugar namin, alam nyo kung gaano kami kalapit ni JULIE/LHAI sa isa’t isa, para na kaming magkapatid.
Itinuring namin sya na pamilya. Pinatira sa bakante naming bahay ng libre (June 2018) para makatulong at di magipit dahil sa pangungupahan nila.
Ang gagawin nya lang ay maniningil ng buwanang renta, pero sa kabila ng lahat, ito pa ang igaganti nila sa amin. Halos isang taong renta ng mga apartment ang itinakbo nilang magasawa sa magulang ko (mahigit kalahating milyon) perang ginagamit sa buwanang gastos sa bahay, monthly check-up at pambili ng gamot. Ginawa nilang dahilan ang pandemic kaya di nakakapagbayad ang mga tenant na naiintindihan naman ni Mama. Jan. 6, 2021, nilayasan na nila ang bahay dala lahat ng gamit pati mga nasingil na renta. Binigyan nmin kayo ng pagkakataong lumabas at magpaliwanag pero hindi nyo ginawa. Kayo ang nagpaliit ng mundo nyo. Hindi nyo matatakasn itong ginawa nyo. Paano nyo naaatim na pakainin ang mga anak nyo ng galing sa nakaw? Kung kami kaya nyong lokohin ng ganito, paano pa ibang tao? Alam mo ayokong gawin to, pero walang ibang paraan para magbago kayo. Loob na ng rehas ang magpapatino sa inyo. Magkikita din tayo.
PS. Anjan pati convo natin nung sinabihan ko kayo tumira sa bahay. Basahin nyo ng sabay magasawa para pati kayo kilabutan sa ginawa nyo.”
Basahin sa ibaba ang usapan noon nina Leah at Julie:
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
Photo credit: Leah Pascual
***
Source: Leah Pascual | Facebook
Source: News Keener
No comments